Paslit, Ginahasa ng Manyak

CAMPO GEN. ALEJO Santos, Bulacan – Umiiyak na dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 10 taong gulang na paslit, kasama ang kanyang ina, upang ireklamo ang kanilang kapitbahay na umano’y gumahasa sa biktima sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Norzagaray.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Bruno Viola kay P/SSupt. Wendy Rosario, OIC-PNP Provincial Director, nakilala ang suspek na si Efren Torres Y Marcial, 42, residente ng Bayumbon St., Poblacion, samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Julia.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Jacqueline Haplic, bago ang panghahalay sa biktima, sinundo muna ang Grade V na estudyante sa kanyang eskuwelahan, at matapos ito’y dinala ang bata sa isang ilang na lugar, kung saan isinagawa ang panggagahasa dakong  alas-4:45 ng hapon, Marso 17, 2011.

Ayon sa  ina ng  bata, napansin na nito ang pagiging tahimik ng kanyang  anak, na dati naman aniyang hindi nito ginagawa dahil sa masayahin itong bata.

Sa salayasay ng biktima, natakot siyang ibunyag ang pangyayari dahil na rin sa banta sa kanyang buhay at sa kanyang ina, na papatayin sila ng suspek kung siya’y magsusumbong.

Dahil na rin sa matinding takot na maulit muli ang panghahalay sa kanya, nagpasiya na lamang itong magsumbong sa kanyang nanay at sa pulisya, dahilan upang madakip ang suspek.

Kaugnay nito, detenido ngayon ang suspek sa Norzagaray Municipal Jail sa kasong Statutory Rape.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.