Paslit ginahasa at pinatay ng pedopilya

ISANG 6-ANYOS NA paslit ang ginahasa at pinatay ng umano’y pedopilya ang itinapon sa bangin sa lalawigan ng Cebu.

Kinilala ang biktima na si Ellah Joy Pique, Grade 1 pupil sa Calajaon Elementary School sa Minglanilla.

Natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas 7:55 ng umaga nitong Huwebes sa paanan ng isang malalim na bangin sa tabi ng highway sa Bgy. Sayaw, Barili.

Batay sa report ng Cebu Provincial Police Office (PPO), ang bata ay iniulat na dinukot ng dalawa katao, isang babae at isang lalaking Caucasian na pinaniniwalaang pedophile na lulan ng isang SUV na hindi nakuha ang plaka sa harapan ng eskuwelahan nito dakong alas- 4 ng hapon noong Martes.

Sa salaysay ni Brgy. Councilman Junrey Bayno sa pulisya, laking gulat umano niya sa pagkakadiskubre ng krimen kung saan tatlong malalaking tipak ng bato rin na may mga bahid pa ng dugo ang nakita sa tabi ng bangkay ng inosenteng biktima.

Ang insidente ay agad inireport sa pulisya ng nasabing opisyal ng Barangay sa pulisya at dito nadiskubre na ang biktima ay ang batang dinukot sa bayan ng Minglanilla.

Ang bangkay ng biktima ay positibong kinilala ng kanyang mga magulang na sina Reynante at Ligaya Pique na naghahanap sa kanilang nawawalang anak.

Natagpuan din ang nagkalat na school bag ng biktima na naglalaman ng kulay puting skirt, shorts , underwear, notebooks, lunchbox, isang pares ng slippers at dalawang tig P 50 pesos di kalayuan sa bangkay nito.

Sa pahayag ng mga kamag-aral ng biktima, kumaway pa ang biktima sa kanila matapos tigilan ng sasakyan na lulan ang isang babae at isang dayuhang puti kung saan inalok ang biktima ng kendi at pera kaya ito sumama.

Nasa state of shock naman ang mga magulang ng bata sa karumaldumal na sinapit ng kanilang anak.  Patuloy ang imbestigasyon sa kaso upang mabigyang hustisya ang kamatayan ng biktima.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.