PASLIT, DINUKOT SA ZAMBOANGA DEL SUR

SANG PASLIT NA anak ng barangay chairwoman ang dinukot ng hindi nakilalang mga armadong lalaki sa Titay, Zamboanga del Sur noong Miyerkules.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Randelle Talania, 9-anyos, anak ni Rosemarie, chairwoman ng Brgy.Namnama.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., dakong 4:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Titay Central Elementary School kung saan nag-aaral ang biktima.

Sinasabing isinakay ng mga suspek ang biktima sa mini van na kulay green at may plakang KEJ 143 na kinalaunan ay natagpuang sunog sa Marcelo, Kalawit.                              (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.