Paslit, dinukot ng totoy

PINAG-IINGAT NG kapulisan ang mga magulang na may mga kasamang bata sa kanilang pamamasyal kung saan dapat umano ay magdoble- ingat dahil sa isang kaso ng pagdukot sa batang 2-anyos na nangyari sa loob ng isang mall sa Caloocan City kamakailan na tina-ngay ng 10-anyos na totoy na umano’y pakawala ng sindikato .

Ayon kay Children’s and Women’s Protection Desk ng Caloocan City na si SPO1 Marikaye Daquioag, noong Oktubre 19, 2012, kasamang namamasyal ni Marife Magpayo ang anak na si Mark, 2, sa isang mall sa lungsod nang maglaho ang paslit.

Nakunan ng CCTV ng mall ang suspek na nasa edad 10 na nakasuot ng berdeng T-shirt na inaakay papalabas ang biktima.

Noong Oktubre 23, 2012, isang tricycle driver ang nakakita sa biktima na gu-magala sa kalye na dinala kay Chairman Domingo Notario ng Barangay 109.

Inilibot sa lungsod ang bata hanggang sa matunton ang mga magulang at naiballik ang biktima sa ina.

Inaalam na kung anong sindikato ang kinabibila-ngan ng suspek na inaalam na kung sino.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.