Paslit, Dinaliri ng Tsuper

UMIIYAK NA dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang pitong taong gulang na batang babae kasama ang kanyang ina upang ipagharap ng reklamo ang driver na umano’y nangmolestya sa kanya sa pamamagitan ng daliri sa Bagong Dam, Brgy. Taliptip, Bulakan,Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Jess Reyes kay OIC PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduña, kinilala ang nadakip na suspek na si Emmanuel Baltazar, nasa hustong gulang, binata, residente ng Sitio Pulo, Brgy. Bambang; samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Maurine.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Darwin Borlongan, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang gapangin umano ng suspek ang silid ng bata, kung saan mahimbing itong natutulog.

Nabatid na laking gulat ng bata nang bigla na lamang takpan ang kanyang bibig, habang pilit na ipinasok ang daliri sa maselang bahagi ng katawan, na labis nitong ikinatakot nang bantaan ito ng suspek.

Matapos ang insidente, agad itong nagsumbong sa mga nagrorondang barangay tanod dahilan upang agad na madakip ang binatang tsuper.

Kaugnay nito, agad na ikinulong ang suspek habang inihahanda ang kasong Rape at paglabag sa Republic Act 7610.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.