Paslit, Dinaliri ng Bisita

ARESTADO ANG isang 26-anyos na lalaki matapos itong ireklamo ng isang nanay ng 3 taong gulang na batang babae nang madiskubreng dinaliri nito ang huli sa Brgy. Bayugo, Meycauayan City.

Sa ulat na nakarating kay Senior Supt. Fernando Mendez, Jr., Bulacan Provincial Director, kinilala ang suspek na si Jay-ar Gonzales, residente ng Blk-11, Lot 86, Northville 3, sa lungsod na ito.

Base sa report ni P/Supt. Hector Samar, Meycauayan Police Chief, dakong alas-11 ng gabi nu’ng Sabado nang mahuli ang suspek sa kanyang inuuwian sa Brgy. Bayugo.

Batay sa reklamo ng ina ng biktimang si Elena (di-tunay na pangalan), nagkaroon umano ng kasiyahan sa kanilang tahanan kung saan isa sa mga bisita ang suspek.

Dahil abala ang ina sa pag-iistima sa mga bisita, hindi nito napansin na dinala ng suspek ang biktima sa madilim na bahagi ng bahay at doon ipinasok ang daliri nito sa ari ng bata.

Matapos ang okasyon, pinaliguan ng ina ang biktima at pumalahaw ito ng iyak nang masagi ng ina ng ari ng bata.

Agad tinanong ng ina ang biktima kung sino ang humawak sa ari nito. Sinabi ng bata na hinakawan at ipinasok sa kanyang ari ang daliri ng suspek.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Meycauayan City Jail sa kasong Rape in relation to Republic Act 7610 o Child Abuse Law.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.