Paslit, Dinaliri ng Bisita

HULI SA akto ng kanyang ama-amahan ang binatang humalay sa 9-anyos na batang babae sa Brgy. Muzon, San Jose del Monte City kahapon.

Sa report na ipinadala ni P/Supt. Mark Rivero kay PNP Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang dinakip na suspek na si Erwin Gestadia, 19-anyos, ng Decca Homes, Saint Therese, Marilao, Bulacan; samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Ruvy.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-3 ng hapon nang maganap ang panghahalay sa biktima   sa isang bakanteng lote sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nahuli sa akto ng stepfather ng biktima na si Jose German ang ginagawang pagdaliri ng suspek sa ari ng paslit.

Dahil sa pangyayari, agad na humingi ng tulong sa mga nagrorondang barangay tanod ang ama-amahan ng bata, dahilan upang agad na madakip ang suspek na kasalukuyang nakakulong ngayon sa kasong Rape in relation to R.A. 7610. (TONY DELA PEÑA)   

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.