Paslit, Dinaliri ng Binatilyong Senglot

NAGPUPUYOS SA galit ang isang ina matapos na dumulog sa istasyon ng pulis para ihabla ang isang 17-anyos na lalaki na “dumaliri” sa kanyang anak na 4 na taong gulang na batang babae sa Brgy. Bintog, Plaridel, Bulacan.

Agad namang nakatakas ang suspek ng tangkang dakpin ng mga pulis na itinago sa pangalang Nelson, residente ng Bgy. Culianin, sa bayang ito.

Sa ulat ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Plaridel Police, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa Brgy. Culianin habang dumadalo sa kaarawan ng isang kumpare.

Ayon sa salaysay ng ina ng biktima, nakita niya ang kanyang anak na umiiyak na kasama ang umano’y lasing na suspek pauwi sa kanilang bahay.

Nang tanungin ng ina ang anak kung bakit umiiyak, sinabi nito na ipinasok ng suspek ang daliri nito sa kanyang ari.

Agad namang tumakas ang suspek patungong Brgy. Bintog ng marinig na nagsumbong ang bata sa ina.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng Plaridel Police para madakip ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong Rape.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.