Paslit, dedo sa bala sa evac center

PATAY ANG isang 4-anyos na batang lalaki makaraang tamaan ng ligaw na bala sa evacuation center sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Sa isang imbestigasyon, bala ng 50 caliber machine gun ang tumama sa biktimang natutulog sa evacuation center sa naturang lugar kasama ang kanyang pamilya at mahigit 100 mga evacuees.

Ayon sa report, unang tinamaan ng bala ang ama ni Ashnaira na si Arsad Usman, 33-anyos, at residente ng Brgy. Iginagampong Datu Unsay, Maguindanao.

Tinamaan diumano sa kanyang paa ang naturang ama na tumagos naman sa paa ng bata.

Unang dinala sa ospital si Arsad at huli na nang malaman na tinamaan din pala ang anak nito na na-ging sanhi ng kamatayan ng nasabing bata na natagalan bago pa magamot.

Ipinahayag na mula sa grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasabing bala subalit posible rin diumano na mula ito sa mga sundalo.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.