Paslit, Biyak ang Bungo sa Bato

NABIYAK ANG bungo ng isang paslit makaraang mahulugan ng may bigat na 200 kilong bato habang naglalaro sa paanan ng burol sa Barangay Tambler, General Santos City.

Kinilala ang biktimang si Arnel Dagohoy, 9-anyos ng Purok San Miguel, Barangay Tambler.

Sa ulat ng pulisya, naglalaro ang naturang biktima kasama ang iba pang mga bata, kung saan gumulong ang malaking bato sa bandang itaas ng burol at t nadaganan si Dagohoy.

Nawalan ng malay ang biktima at dinala sa district hospital, subalit makaraan ang ilang oras  ay binawian ng buhay.

Sa awtopsiya, ma-tinding pinsala sa ulo ang tinamo ng bata na dahilan ng kanyang kamatayan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.