Paslit, Binoga ang Kalaro

KASALUKUYANG INOOBSERBAHAN ang isang pitong taong gulang na batang lalaki matapos na magtamo ng sugat sa kanyang noo nang aksidenteng mabaril ng boga na may balang holen ng kanyang kalaro sa Brgy. Santander sa bayan ng Buruanga, Aklan.

Nakilala ang biktima na si Renan Calcania at residente ng nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang papunta sa paaralan ang biktima kasama ang nakabaril sa kanya na isang Grade 4 pupil, may nakita ang mga ito sa kalsada na boga na may bala ng holen kung saan agad itong pinulot ng batang salarin at agad na tinutok kay Calcania at sinubukang iputok sa naturang biktima.

Samantala, naka-confine pa rin ang biktima sa Aklan Provincial Hospital at nakatalagang isailalim sa CT-scan dahil sa tama ng holen na nagmarka sa noo nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.