Paslit, binasag ang ulo ng 15-anyos na rapist

 

BASAG ANG bungo nang matagpuan sa basurahan ang katawan ng isang apat na taong gulang na batang babae na umano’y ginahasa muna bago pinatay ng manyakis nitong kapit-bahay sa Sitio Kaylawig, Brgy. Catmon, Sta. Maria, Bulacan.

Sa report na tinanggap ni Senior Supt. Fernando Mendez Jr., Bulacan Police Director, ginahasa muna ang paslit bago pinatay sa pamamagitan ng pag-untog sa ulo nito sa matigas na bagay, kung saan kinilala ang nadakip na suspek na si Efcy,‘di tunay na pangalan, 15 anyos.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima bandang alas-5 ng hapon noong Huwebes habang nakikipaglaro sa isang kapit-bahay.

Nabatid na bandang alas-8 ng gabi nang makita ng isang Leovy Capinding, 32 anyos, may-asawa, at residente ng nasabing barangay ang wala nang buhay na katawan ng paslit sa isang basurahan.

Ayon sa dalawang nakasaksi na ayaw magpabanggit ng pa-ngalan para sa kanilang sariling seguridad, nakita umano nila ang suspek na buhat-buhat ang biktima galing sa bahay ng uncle nito at itinapon ang katawan nito sa basurahan.

Lumitaw sa pag-imbestiga ng mga awtoridad, napansin nilang may tuyong dugo sa kuko at sa suot na T-shirt ang suspek.

Lumitaw rin sa autopsy na iniuntog ang ulo ng biktima sa isang matigas na bagay na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito. Bunsod nito, pansamatalang detenido ngayon ang binatilyo sa Sta. Maria MSWD, habang inihahanda ang kasong rape with homicide.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.