Paslit, Basag ang Bungo sa Pick-Up

BASAG ANG bungo ng isang taong gulang na batang lalaki matapos itong mabangga ng pick-up habang ang una ay naglalaro sa kalsada kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa Manila Central University hospital sanhi ng pagkabasag ng ulo ang biktimang si James Santos, ng Pio Valenzuela St., Bgy. 78, Caloocan City.

Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Efren Ontog, 38, may-asawa, technician, ng no. 22 Reparo St., ng nasabing lungsod.

Sa nakarating na ulat sa tanggapan ni Sr. Insp. Gaylord Tamayo, hepe ng Traffic Enforcement Unit-Caloocan Police, dakong alas-7:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa Pio Valenzuela St., ng nasabing lungsod.

Minamaneho ni Ontog ang Isuzu pick-up D-Max 2005 (XTV-336) at binabaybay nito ang nabanggit na lugar nang hindi mapansin ang biktima na naglalaro sa kalsada hanggang sa mabangga ng sasakyan.

Agad namang bumaba ang suspek sa sasakyan na minamaheho at dinala sa naturang pagamutan ang biktima subalit nalagutan rin ito ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Nakahanda na ring sampahan ng kasong Reckless Imprudence resulting to Homicide si Ontog sa tanggapan ng Caloocan City Prosecutor’s Office. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.