Pasiklaban to the max sa “A Funny Valentines” sa Comikera Comedy Bar

The-Mistress Nikki-Menaj Mr-Bean coco martinIBANG KLASENG Valentine’s show ang mapapanood ngayong Pebrero 14, Biyernes sa dinarayo nang ultimate party venue sa Southern Luzon, ang COMIKERA COMEDY BAR (na matatagpuan sa # 8440 Lecheria (Halang) National Highway, Calamba City, Laguna) na may titulong “A Funny Valentines.”

Doble-dobleng katatawanan at kasiyahan ang ihahandog ng grupong nagbigay-aliw nang husto sa “Pilipinas Got Talent” (PGT’s Season 4), ang nakababaliw na The Miss Tres (binubuo nina Angel, Mariko at Mia).

Bukod sa grupo, tampok din sa nasabing show ang ilan sa mga naging grand finalists ng “It’s Showtime’s Kalokalike Face 2 ng ABS-CBN 2 na sina “Mr. Bean”, “Nikki Minaj” at “Coco Martin.”

Idinagdag pa ang mahuhusay na hosts at impersonators ng Comikera Comedy Bar gaya nina Eva Bay, Witney Winston at Ms. Nancy Barretto, kaya siguradong dadagundong sa halakhakan at tawanan ang magaganap sa nasabing entertainment venue.

Wika nga ng Operations Manager ng comedy bar na si Ms Nancy Ignacio Dimaranan, “Ginawa namin ito para maging masaya ang Valentines ng mga magsi-celebrate nito sa aming bar. Kaya nga itinodo na namin ang mga talents at pinagsama-sama sa show na ito para mas lalong bongga.”

Kaya kung nais n’yo rin sumaya ang inyong Valentines, magpareserba na kayo ng tickets (P400 each) sa mga sumusunod na numero: 0917 539 8883.

 

loading...

One thought on “Pasiklaban to the max sa “A Funny Valentines” sa Comikera Comedy Bar

  1. Pingback: Pasiklaban to the max sa “A Funny Valentines” sa Comikera Comedy Bar - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.