Pasay Traffic, Inireklamo Sa Pagiging Inutil

MISTULANG INUTIL UMANO ang pamunuan ng Pasay City Traffic and Management Office (PTMO) dahil sa pagiging bulag, pipi at bingi sa pagpasok ng mga kolorum na pampasaherong jeep sa lungsod.

Ito ang mariing reklamo ng isang asosasyon ng mga jeepney operator and driver, sa hindi paggawa ng aksiyon ng pamunuan ng PTMO na nagiging dahilan ng maliit nilang kita sa araw-araw at halos tama na lamang ibigay sa kanilang operator ang kanilang kinikita at gutom na ang kanilang pamilya.

Ayon sa  lider ng asosasyon na ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan, hindi na rin sila nagtataka kung bakit  walang direksyon ang traffic ng Pasay dahil sa hindi umano malaman kung sino ang itatalagang hepe rito kung saan maugong ang pangalan ni Arceo Moti para mamuno sa PTMO na natalong konsehal sa naturang lungsod nitong nakalipas na eleksiyon.

Sinabi pa ng grupo, na napasok na ng Maynila ang Pasay ng mga kolorum na pampasaherong jeep sa pamumuno umano ng hepe  ng  United Nation police station na si Col. Alex Gutierrez at ang dalawang tauhan umano nitong sina SPO1 Salvador Legaspi at isang PO1 Marlon.

Matatagpuan umano ang terminal ng grupo nina Gutierrez sa may Chowking Buendia, Pasay at plano rin ng mga ito na magtayo ng isang samahan na mga operator at driver.

Iginiit pa ng mga ito, na nananakot pa umano ang grupo nina Gutierrez sa mga lehitimong grupo na kapag hindi sila sumama sa kanilang asosasyon ay hindi na maari pang bumiyahe ang mga ito.

Dahil dito, nanawagan ang samahan sa lungsod ng Pasay kay Mayor Tony Calixto at sa hepe ng Pasay City police na si P/Sr. Supt. Napoleon Cuaton na tila natutulog na lamang sila sa pansitan at binabalewala na lamang ang mga hinaing ng mga maliliit na residente sa lungsod.

(Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.