Pasaway na mga pulis

 

0907745xxxx – Sir, hihingi sana ako ng tulong sa inyo dahil maraming pulis na pasaway rito sa amin. Sila mismo ang personal na nagbebenta ng drugs at saka mga baril. Sana po ay maaksyunan ninyo at maturuan ng leksyon ang mga pasaway na pulis na ito. Salamat po.

 

0948833xxxx – Idol Raffy, pakiimbestigahan naman po iyong traffic enforcer sa Mandaluyong na nango-ngotong sa mga jeepney drivers na biyaheng Pasig – Quiapo. Isang vendor na nakapuwesto bago umakyat ng flyover ng Shaw Boulevard ang ginagawa niyang kolektor. Sana po ay maturuan ninyo ng leksyon ang abusadong traffic enforcer na ito. Salamat po.

 

0919567xxxx – Sir Raffy, isa po akong concerned citizen at nais ko lamang po ireklamo ko sa inyo ang mga pulis na nagpapaputok ng baril kapag umiinom ng alak dito sa may barangay Apolonio.

 

0932581xxxx – Sir, irereklamo ko lang po iyong mga pulis na nanghuhuli na walang mga dalang paniket dito sa Anapolis, Cubao. Dinadala nila sa presinto ang nahuhuli nila at doon hinihingian ng mga pulis ng tig-five hundred pesos. Sana po ay maaksyunan ninyo ang problemang ito. Salamat po.

 

0926498xxxx – Mr. Tulfo, isusumbong ko lang po ang mga abusadong pulis dito sa Occidental Mindoro, isa po ang kamag-anak ko sa dumanas ng pang-aabuso nila sa kanilang kapangyarihan. Binugbog nila at pinukpok ng baril sa may balingusan. Hanggang ngayon po ay bulag pa rin ang hustisya sa ginawa nila sa kamag-anak ko. Sana po ay matulungan ninyo kami. Maraming salamat po.

 

0907188xxxx – Idol, nais ko lang pong ipakalampag sa inyo ang mga kinauukulan dito sa Macamias, Guimba, Nueva Ecija dahil iyon pong tulay sa pagitan ng Calem at Macamias ay matagal ng sira, magmula pa noong 1999 ay hindi pa rin naaayos. Marami nang naaaksidente. Sana po ay maaksyunan ninyo ito. Maraming salamat po.

 

0938576xxxx – Isa po akong concerned citizen at irereport ko lang po ang isang MMDA na nangongotong sa C5.

 

0929173xxxx – Sir Raffy, may itatanong lang po sana ako tungkol sa isang opisyal ng barangay. Tama po ba na magsalita ang opisyal na ito ng masasakit na salita at pagmumura? Tama rin po ba na ambaan niya ng sapok ang isang taong nagtanong lang kung bakit nasabi niya ang masasakit na salitang ganoon. Ang tao pong inirereklamo ko ay isang barangay chairman, ano po ba ang dapat naming gawin? Salamat po.

 

Ang WANTED SA RADYO (WSR) ay mapakikinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes-Biyernes, 2:00-4:00 pm. Kasabay na mapapanood ang WSR sa Aksyon TV sa Channel 41. Sa SkyCable ito ay nasa Channel 61, Channel 1 sa Cignal at Channel 7 naman sa Destiny.Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0917-7-WANTED o sa 0908-87-TULFO.

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

One thought on “Pasaway na mga pulis

  1. Magandang tanghali.Gusto kung ireklamo ang pulis sa aming lugar dahil hinuli lang yung papa ko na wala man lang warrant of arrest,d man lang pina alam ang Miranda doctrine. Nandun sya ngayon sa presento na wala man lang kasong isinampa. Dahil nga daw nandun sa list ng pusher yung papa ko kaya nila hinuli na wala man lang sapat na ebidensya. Taga Bantayan Island ,Cebu kami.Di ko alam bakit ganito ang paraan nila sa pag huli iba ang batas dito sa aming lugar mga siga yung mga pulis.Sana po matulungan nyo kami. More power and godbless po!

Leave a Reply

Your email address will not be published.