Pasahero ng Bus, Hinoldap; P30-K Natangay

BLANGKO PA rin ang mga kinauukulan sa salarin sa nangyaring panghoholdap sa isang pasahero sa bayan ng Pamplona, Camarines Sur.

Kinilala ang nasabing biktima na si Victoriana Martin, 43. Sumakay umano ito sa Elavil bus patungong Sorsogon pasado alas-3:00 ng madaling-araw subalit nang makaupo sa loob ng sasakyan ay may tatlong lalaking bigla na lamang tumabi sa kanya at agad na nagdeklara ng holdap.

Tinakot pa umano ng mga ito ang mga pasahero ng bus gamit ang isang baril at granada at nagbantang oras na mag-ingay ay papatayin silang lahat.

Wala namang nagawa ang biktima at ibinigay na lamang ang hinihingi sa kanyang bag na may lamang isang video camera, mamahaling cellphone at cash na P15,000.

Samantala, posible umanong si Martin lamang ang puntirya ng mga ito dahil maliban sa kanya ay wala nang iba pang hinoldap sa sasakyan.

Tinataya namang

humigit-kumulang sa P30,000 ang kabuuang halagang natangay ng mga kawatan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.