Pasahe sa MRT, LRT, Tuloy sa Pagtaas

HINDI NA KAKAYANIN ng gobyerno na kargahin ang mataas na gastusin sa pagmintina ng Metro Rail Transit at dalawang Light Rail Transit sa Kamaynilaan, kaya naman kailangang pasanin ng publiko ang pagtataas ng singil ng pasahe sa mga ito.

“Sigurado na ang taas pasahe,” sabi Transportation and Communications Undersecretary Dante Velasco sa isang interbyu.

Ang mas mataas na singil ng pasahe sa MRT at LRT ay para tugunan ang tumataas na halaga ng kuryente at iba pang gastusin para patuloy na tumakbo ang tatlong linya ng tren na pinatatakbo ng kuryente.

Ayon sa DOTC, ang kinakailangang dagdag-pasahe ay makatutulong sa gobyerno para mapaganda pa ang operasyon ng mga linya ng tren at mapalaki ang kapasidad ng mga ito.

“The MRT’s operational costs and government subsidies are growing. The new government’s policy is to reduce these subsidies,” ani Velasco. “These subsidies are hurting the nation.”

Sa kasalukuyan, ang pinakamahal na biyahe sa mga tren ay P15, pero ang aktuwal umanong halaga ng pasahe ay maaring umabot sa P60. Ang kakulangan sa pasaheng ito ang sinasagot ng gobyerno, o ng publiko na nagbabayad ng buwis, kahit na hindi nakatira sa Metro Manila.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.