Pasado sa PNP entrance exam, kaunti lang

WALA PANG 3,000 sa 13,500 kumuha ng entrance exam ng Philippine National Police (PNP) ang nakapasa.

Sinabi ni National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairman Eduardo Escueta na 2,560 o 18.96% lang ang passing rate para sa pagsusulit sa pagka-PO1 nitong Oktubre.

Gayunman, mas ma-taas na aniya ito ng 7% kumpara sa nagdaang eksaminasyon.

Ayon kay Escueta, binawasan ng 50 tanong ang eksaminasyon kaya marami ang nakatapos sa takdang oras.

Sa kabilang dako, sa halos 20,000 kumuha ng promotional exam, 5,785 ang pumasa o 29.64%.

Mas mataas na rin aniya ito kumpara sa 27.11% noong nakaraang taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.