Parusa vs mga pasaway na parak

TINIYAK NI National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Marcelo Garbo Jr., na paparusahan ang pinatalsik na 76 pulis na lumabag sa ipinatutupad na Police Integrated Patrol System habang umiiral ang Comelec gun ban para sa nalalapit na barangay election.

Samantala, sunod na sisibakin ni Garbo sa puwesto ang direct supervisors, Police Community Precinct (PCP) at station commanders ng mga tinanggal na pulis sakaling hindi katanggap-tanggap ang paliwanag ng mga ito sa pagpapabaya ng kanilang mga tauhan sa tungkulin.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong neglect of duty hanggang serious neglect of duty ang naturang mga pulis ng Police Officer 1 hanggang Senior Inspector nang hindi sila makita ni Garbo sa kanilang puwesto sa mga inilatag na checkpoint sa Caloocan City, Cubao at EDSA sa Quezon City, Mandaluyong City at España sa Manila.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.