Parusa sa Kabit

Dear Atty. Acosta,

 

NAGHIWALAY PO kami ng asawa ko dahil nagkaroon sila ng relasyon nang aking matalik na kaibigan. Nagsasama na sila ngayon. Narinig ko na maaaring kasuhan ng concubinage ang aking asawa at kaibigan. Maaari ba akong magsampa ng kaso nang hindi isinasama ang aking asawa? Nais kong maturuan ng leksyon ang aking kaibigan?

 

Cheryl

 

Dear Cheryl,

 

MAAARING MANAGOT sa krimeng concubinage, ayon sa Artikulo 334 ng Revised Penal Code, ang lalaking may asawa kung dinala niya ang kanyang karelasyon na babae sa bahay nilang mag-asawa o dinala niya ito sa ibang lugar upang kanyang ibahay. Maaari rin siyang managot kung nakipagtalik siya sa babaeng hindi niya asawa sa isang maiskandalong pamamaraan. Ayon sa nabanggit na batas, ang lalaking napatunayang nagkasala sa krimeng concubinage ay mapaparusahan ng pagkabilanggo ng prision correctional in its minimum and medium period. Samantala, maaaring kasuhan ang karelasyon ng nasabing lalaki sa ilalim ng batas na ito bilang isang “concubine”. Kung mapapatunayan ang kanyang pagkakasala ay papatawan naman siya ng parusahang destierro. Ang parusang ito ay walang kaakibat na pagkabilanggo. Siya ay uutusan lang ng korte na huwag pumunta o lumapit sa lugar na nakasaad sa utos sa lawak na hindi hihigit sa 250 kilometro at hindi bababa sa 25 kilometro (Artikulo 87, Revised Penal Code).

Sa iyong salaysay, meron kang batayan kung sakaling magsasampa ka ng kasong concubinage laban sa iyong asawa dahil nagsasama na sila ng iyong kaibigan. Ngunit kahit pa dalawa silang nagkasala sa iyo, hindi maaaring ang kaibigan mo lang ang iyong sasampahan ng krimeng concubinage sapagkat kung iyong papansinin, ang lalaking may-asawa ang siyang pinaparusahan ng krimeng ito. Bukod pa rito ang parusa na ipinataw sa “concubine” ay distierro lamang at hindi pagkabilanggo. Samakatuwid, hindi maaaring ang “concubine” lamang ang kakasuhan ng concubinage. Kailangang mong sampahan ang iyong asawa kung nais mong managot ang iyong kaibigan.

Kung susuriin natin ang ating Revised Penal Code, walang kasong kriminal ang maaaring isampa sa “concubine” maliban sa concubinage. Ngunit maaari ka namang magsampa ng isang civil case upang humingi ng danyos dahil sa ginawa ng iyong kaibigan na pakikiapid sa iyong asawa. Kaya lang ay hindi makukulong ang iyong kaibigan dahil ang kasong ito ay nakatuon sa paghingi lamang ng danyos.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan. Ang legal na opinyon namin ay maaaring mabago kung madadagdagan o mababawasan ang mga nakasaad sa iyong salaysay.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Related Post

loading...

3 thoughts on “Parusa sa Kabit

  1. Makain ang mga anak ko. Elementary pa lang yung panganay ko po noon. Ang ginawa ko po. hinati ko po yung sahod ko. Nagpapadala pa rin po ako sa kanya para sa isa ko pang anak. Para wala syang masabi. Hanggang sa magdesisyon na ako na hiwalayan sya kc po wala pong pagbabago. Halos ako na po ang bumubuhay sa pamilya ko. Pero di po formally na hiwalay po talaga. Parang naglie lo lang po ako kung magbabago ba sya. Hanggang sa ganito na po ang nangyari. Lagi napo nagrereklamo angmga anak ko. Minsanan nalang daw magbigay. Tapos yung bunso kopo 300 lang po ang binibigay nya sa loob ng isang linggo. Pamasahe pa ng anak ko. 150 po sa loob ng isang linggo. Di po kasya yun. Kaya sabi ng anak ko isang beses nalang sya kumakain sa isang araw. Kaya pagnakasahid naman po ako uung panganay ko po ang mas malaki angbigay ko g pera kc po collage na sya pati po kapatid ko nag aabot na din sa anak ko. Kaya po nililihim nalang po namin noon na ang pagkakaalam nya diako nag aabot sa dalawa ko g anak. Pati po bahayko di ko maparepair kc po yung pera ko sa dalawang anak ko napupunta. Ano po dapat ko gawin attorney. Makukulong po ba cla ng kabit nya kahit wala clang anak sa ngayon po. Pahingi po ng tulong. Litong lito na po ako. Sana po masagot nyo po agad ang problema ko po. May libre po bang abogado kung halimbawang magdemanda ako. Sa ngayon po wala po Akong sapat na pera panggastos po ng abogado. Isa lamang pong helper ng bahay ang trabaho ko po. Marami pong salamat attorney acosta.

  2. Dear attorney acosta.
    Tanong ko lamang po. Kung mahuli ko po ba asawa ko sa inuupahang bahay nila ngayon. Kasama ang tatlong anak ng kabit nya. Pwede ko po ba clang idemandang dalawa. Kasal po kami ng asawa ko. Nung year 2001 ng april. May dalawa po kaming anak. Ang isa collage po at ang isa po ay mag grade 11 na po. Di na po sya nagbibigay ng sustento sa dalawang anak ko. Tapos isang beses tumawag po ako sa kanya. Tinanong kopo kung kaya nya pa bang gastusan ang anak namin sa collage. Ang sagot nya po (kunin mo ang anak mo dito sa dumaguete kaya mo na yang gastusan). Nagworry po ako sa anak ko kc nung tinawagan ko po yung anak ko na di ko sya kayang gastusan. Umiiyak po sya dahil gusto nya po mag aral. Kc po yung anak ko po dun nya po pinatira sa bahay ng kapatid nya. Samantalang sya nagrent ng bahay ng kabit nya at tatlong anak nito. Yungisa ko pong anak dun po nakatira sa sarili naming bahay. Pinasasamahan ko lang sa pinsan ko po kcmagkatabi lang po bahay namin. Kung di po ako magtatrabaho wala po akong maipapakain sa anakko. Kc dati pa po nambabae asawa ko. Nahuli ko po cla nung babae na nagsex cla in the act po talaga. Tapos ngayon po ibang babae nanaman at naglive in na cla sa iisang bahay. Yung asawa ko po maytrabaho naman po sa isang company dito samen. Nalilito poako attorney ku g anong gagawin ko po. Isang beses lang po sa isang buwan ang sahod ko. Di po kayang gastusan ang dalawang bata sa sahod kong 4000 lang po. Dati po nung nagwork po ako sa manila lage po akong nagpapadala ng pera sa asawa ko po. Halis walang matira sa sahod ko. Kc po wala posya permanenteng trabaho noon. Tapos po isang beses lang po ako umuuwi sa isang taon. Nashock na lang po ako ng sabihin ng anak ko na yung pera daw na pinapadala ko sa asawa ko ay pinang iinum lang daw kasama ang kaibigan nya. Halos wala daw mam

Leave a Reply

Your email address will not be published.