Party, party sa MOA with Miley Cyrus!

SUMUGOD ANG MGA utaw sa one-night concert ng International pop sensation na si Miley Cyrus sa SM Mall of Asia concert grounds noong June 17. Ang nasabing concert eh, parte ng kanyang Miley’s Gypsy Heart World Tour. Front act ng gabing ‘yun sina Papa Elmo Magalona at Papa Sam Concepcion kaya lalong ginanahan ang mga madlang pipol. Sa paglabas ni Miley sa stage, mas tumindi ang pananabik ng

kanyang mga tagasuporta kasabay ng kanyang hot performances ay ang pagpapalit ng iba’t ibang costumes tulad ng pagsusuot ng jacket over her leather studded bra, isang mala-nightgown na may mahabang slit sa side etc. Most of Miley’s outfi ts are sexy and show her well-sculpted abs huh! he-he! Kabog! Hindi rin matatawaran ang pag-sing-along niya ng kanyang mga hits songs na “Party in the USA, “Can’t be Tamed” at “The Climb”. Sumikat talaga ng husto si Cyrus bilang si Hannah Montana sa Disney Channel sitcom na Hannah Montana at siyempre, siya lang naman ang daughter ng American country music singer, songwriter and actor na si Papa Billy Ray Cyrus. Ang Taray di ba? Pero teka, ‘di rin nakaligtas ang mga Pinoy celebs na todo support kay Mareng Miley (feeling close? Ha-ha!). Makisilip tayo, mga kaparazzi. Pak!

 

Photos by Ricky Agapito & Mark Atienza

By MK Caguingin

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “Party, party sa MOA with Miley Cyrus!

  1. Pingback: Party, party sa MOA with Miley Cyrus! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.