Party-list Solon, sinibak

SINIBAK KAMAKAILAN ng Ating Koop party-list mula sa partido ang kinatawan nito sa Kongreso at tinanggal sa listahan nito ng nominees sa Kongreso. Sa isang unanimous decision, ang mga kasapi ng Central Committee nito ay humiling kay Speaker Feliciano Belmonte na pasumpain na sa pwesto ang second nominee nito na si Roberto Mascarina kapalit ng nabakanteng upuan ni Lico sa Kongreso.

Sa resolusyon na may petsang Disyembre 5, 2011, nakasaad ang paglabag ni Lico sa napagkasunduang pagbibitiw niya sa pwesto alinsunod sa term-sharing at ang hinaharap niyang kaso ng graft and corruption sa Ombudsman. Matatandaang nitong taon ay idinemanda si Lico sa anti-graft body dahil sa paglalaan ng pork barrel para ma-develop ang isang private resort at hotel sa Bay, Laguna.

Kamakaila’y naging mainit ang isyu ng party-list sa Kongreso dahil sa pananambang kay Cong. Canonigo ng Kakosa party-list. May kinalaman din sa panloob na sigalot ang nasabing ambush sa solon.

Sa isang panayam, sinabi ni Mascarina na kamakailan ay nagpatawag ng pulong si Lico sa Cebu City upang magbuo ng isang paksyon na lalaban sa kasalukuyang pamunuan ng partido.

“Kung matutuloy ang pagbubuo ng bago at huwad na liderato ni Lico, ito ay isa na namang act of disloyalty na dapat parusahan ng partido,” ayon kay Mascarina.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.