Parte ng Katawan ng Lalaki, Nahukay

NAHUKAY ANG naaagnas nang pang-ibabang parte ng hindi pa kilalang lalaki sa Navotas kamakalawa ng umaga.

May tattoo sa kaliwang pigi ang biktima na Bahala na Gang 2 R.D.J at may palatandaan na sinunog muna bago ibinaon.

Sa ulat, alas-11 ng umaga nang mahukay ang parte ng biktima sa Sitio Pulo, Tanza ng lungsod na naging dahilan upang

ipaalam sa mga pulis.

Inaalam na ng mga pulis kung kanino ang parte ng katawan na nahukay.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.