Parole ni Leviste, Pinasisiyasat ni PNoy

PINASISIYASAT NI Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III  ang pagbibigay ng parole kay dating Batangas Governor Antonio Leviste.
Maaalala na nakalaya na ng New Bilibid Prisons (NBP) si Leviste matapos aprubahan ng Board of Pardon and Parole ang aplikasyon nito.
Pero sinabi ng Pangulong Aquino sa isang pahayag na binasa ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. sa isang panayam, “I am not happy with the decision. [I am ordering] the whole matter investigated.”
Enero 2009 nang patawan ng Makati Regional Trial Court (RTC) ang dating gobernador ng parusang 6-taon at isang araw hanggang 12-taong pagkakulong hinggil sa pagpatay sa kaibigang si Rafael Delas Alas noong Enero 2007.
Nakipagtulungan at tinanggap naman ng Pamilya Delas Alas ang naturang parole.
Una na ring ikinatwiran ni Parole and Probation Administrator Manuel Co sa desisyon ang good conduct time allowance ni Leviste na resulta ng pagiging spiritual leader at legal aide nito.
Abswelto si Leviste sa kasong evasion of service of sentence kaugnay ng  pagkakabuking ng kanyang paglabas-masok sa NBP noong 2011, ayon pa kay Co.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.