Parloristang tulak, timbog

HINDI LANG pangkukulot at pedicure ang trabaho ng isang ginang sa Compostella Valley kundi nagtutulak din ng droga dahilan para makalaboso makaraan ang isang buy-bust operation sa bayan ng Monkayo.

Kinilala ang inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Davao Region na si Susan Capuyan Gamao, 47, beautician at nakatira sa nasabing bayan.

Si Gamao ay naaktuhan ng awtoridad na iniaabot ang isang sachet na naglalaman ng kemikal na pinaniniwalaang Shabu sa poseur-buyer.

Nang maaresto, nakuha sa kanya ang marked money na P500 gayundin ang lima pang sachets ng Shabu.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Tagum City Police Station. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.