Pari, Sinaksak Habang Nagbibigay ng Komunyon

HINDI AKALAIN ng isang pari na uundayan siya ng saksak nang isang babaeng deboto habang nagbibigay ng komunyon sa isang kapilya sa Brgy. San Manuel, San Jose del Monte City linggo ng hapon.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Mark Rivero kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt Fernando Mendez, Jr., kinilala ang inarestong suspek na si Divina Guantero, 44 anyos, samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Fr. Mario Ladra, nasa hustong gulang, na nagtamo ng maraming saksak sa kanang kamay nito.

Sinabi ni Lola Nelie, madasalin at palasimba ang kanyang anak, subalit ang hindi nito maintindihan ay kung paano nito nagawang saktan ang isang alagad ng simbahan.

Samantala agad namang nadakip ang suspek matapos ang pananasak sa pari. Aniya pa, wala raw siyang pagsisisi sa kanayang ginawa dahil may basbas naman daw ito ng panginoong Diyos. Nabatid pa sa suspek na “utos iyon ng Diyos” at nagmumula ito sa itaas na pumapasok sa kanyang isip at kanyang damdamin.

Bunsod nito, ayon sa mga pulis, hindi anila ito ang unang beses ng pananakit sa isang alagad ng simbahan. Nabatid pa sa ulat nang pulisya, na may nagawa na rin itong kaso sa probinsya ng Tacloban.

Bagama’t maayos namang kausap ang suspek, kinakailangan pa rin umano itong magpasuri sa mga dalubhasa sa ganitong mga problema.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.