Pari, Inireklamo sa Pagpapapasok ng mga Bebot sa Simbahan

PINAIIMBESTIGAHAN NG Archdiocese of Cebu ang isang pari roon matapos itong ireklamo ng kanyang sariling sakristan na may sexual relation umano sa dalawang babae sa parokya ng lungsod ng Minglanilla ng nasabing lalawigan.

Bilang immediate superior ng mga pari ay responsibilidad niya ang pagpapaimbestiga sa insidente at mabigyan ito ng kaukulang parusa sakaling mapatunayan, ayon kay Episcopal Vicar Msgr. Esteban Binghay.

Sa isinulat na liham ng second year college na sakristan kay Cebu Archbishop Jose Palma, ibinunyag nito na nahuli umano niya ang kanilang kura paroko sa kanilang lungsod na pumupuslit sa likod ng simbahan upang katagpuin ang kanyang mga karelasyon.

Iba’t ibang babae rin daw ang katagpo ng nasabing pari tuwing gabi na lihim na pumapasok sa likod ng simbahan.

Sinang-ayunan din ng walo pang kasama nito sa simbahan ang nasabing pahayag at ng ilang Catholic lay ministers ng naturang lungsod.

Samantala, hihintayin pa umano ng simbahan ang resulta ng pagsisiyasat bago maglabas ng desisyon laban sa inirereklamong pari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.