Parents ni Shaina Magdayao, ‘di papayag sa pagli-live in nila ni John Lloyd Cruz

KAHIT ANONG IWAS ang gawin nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao sa totoo nilang relasyon, patuloy pa rin silang iniintriga. Nandyan ang diumano’y gusto na raw makipag-live-in ng dalaga sa magaling na actor na pinabulaanan agad ng binata. Imposible raw mangyari ‘yun dahil hindi papayag ang magulang ni Shaina, ayon kay Lloydie.

Hindi rin itinanggi ni John Lloyd na may pitak sa puso niya si Shaina at madalas silang magkasama sa mga lakaran at gimikan. Sa ikinikilos ng dalawa, walang dudang may something sa kanilang relationship. Kung ayaw nilang aminin, hayaan natin sila. Ang importante, masaya’t maligaya sila sa piling ng isa’t isa.

Marami ang nagsasabing hindi raw makatutulong sa career ni Lloydie ang pakikipagrelasyon niya kay Shaina. Hanggang kailan kaya nila maitatago ang kanilang love affair? Maraming artista nating babae ang nangangarap na makatambal ang guwapong aktor tulad nina Angel Locsin, KC Concepcion at ang international star na si Lea Salonga.

Ang tambalang John Lloyd at Shaina, kailan kaya natin mapapanood sa MMK?

HINDI PA RIN mamatay-matay ang issue na mag-dyowa raw sina Angel Locsin at Chito Miranda ng Parokya ni Edgar. Kahit super-deny ang actress, na friends lang sila ng lead vocalist ng nasabing banda, ayaw itong paniwalaan ng entertainment press. Madalas daw kasi makitang nakatambay ang binata sa bar ng aktres kaya pinagdududahan ang kanilang friendship.

Hindi naman naniniwala si Luis Manzano na may something kina Angel at Chito. Pinanghahawakan kasi ng actor ang binitawang salita ng ex-girlfriend na friends lang talaga sila nito. Diretsong inamin ni Luis na mahal pa rin niya si Angel kaya patuloy pa rin ang panunuyo niya na muling manumbalik ang pagmamahal sa kanya ng dating kasintahan.

Nu’ng nakaraang birthday ni Angel last April 23, special birthday gift ang ibinigay ni Lucky. Hindi na lang binanggit ng aktres ang mamahaling regalo na ibinigay sa kanya compared sa birthday gift na iniregalo niya sa anak ni Governor Vilma Santos.

Ipod mini-hamburger speaker at cellphone ang regalo ni Angel sa birthday ni Luis last April 21. Madalas banggitin ng actor na ito ang gusto niyang matanggap sa kanyang kaarawan at hindi siya nabigo. Lalo sigurong magiging masaya ang binata ‘pag nagkabalikan uli sila ni Angel, ‘di ba?

TULAD NINA MELISSA Ricks at Jake Cuenca, kahit super sweet behind the camera, deny to the max pa rin sila sa tunay nilang relasyon. Hanggang ngayon, friends pa rin ang kanilang drama. Nasa period pa rin sila ng ligawan kahit alam nating mag-syota na sila. Kapag magkasama ang dalawa hindi mo sila mapaghihiwalay lalo’t in private places na walang gaanong tao sa paligid.

Purple Louis Vuitton ang birthday gift ni Jake kay Melissa. Gamit niya ito nu’ng mag-attend siya sa Babe, I Love You bar night nina Anne Curtis at Sam Milby. Super-emote ang bag, kiyeme, ayaw pakunan ng litrato. Last Christmas, signature bag din ang ibinigay ng actor sa dalaga. Alam kasi ni Jake ang hilig ng kanyang dyowa, mag-collect ng mga signature bag.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

20 thoughts on “Parents ni Shaina Magdayao, ‘di papayag sa pagli-live in nila ni John Lloyd Cruz

  1. katawa naman tong dalawa talagang halatang hindi pa nila alam kung ano ba talaga silang dalawa based sa sinabi ni lalaki na paguusapan muna nilang dalawa kung ano ang sasabihin nila.harharhar e nag tsutsuktsakan na nga pero d daw sila papayag na mag live-in dahil wala sila sa tamang POSISYON hahaha bhakkeet ano ba daphaat ang posisyon pag nag live-in 66 ba? e ginagawa na nga nila everyday harharhar tapos d daw payag ang mga magulang ng girl ng live-in pero payag na dalhin sa kung saang lupalop ksama ang 1 guy e d ganun din yun lalo na’t sa hotel pa sila nagbonding.haysuuss mga manyak!

    • DI PAPAYG EH NANAY DI BA SUMAMA SA DRIVER?…EH LAHAT SILANG BABAE ISA HILIG SANTOL!…NASA CON NA DW NIjl YAN NAGLALAGI!…O KUNG SAN SAN SILA NAGTATAGO PARA MAIRAOS INIT NILA!

  2. iba dito kung maka salita parang alam na talaga nila nangyayari sa buhay ni jlc at shaina…

    hayaan na lang sila tao rin mga yan wag natin dektahan

    for me mas bagay si shaina at jake cuenca mas maraming gusto sila pero di naman natin pwede dektahan mga puso nila eh…

  3. i see nothing wrong with shaina at jlc…mas proud pa si jlc na gf niya si shaina kaysa yung time na sila ni ruffa oh my gosh tago ng tago si jlc

    i dnt think nakasira si shaina si ruffa ang nakakasira talaga atleast si shaina bata

    • hoy tago sila ng tago ni ruffa dahil ayaw ilang patayin sila ni ylmas bektas no!!! nakasira si ruffa kay lloydie??? huyyyy as naging sosyal siya at hindi patambay tambay sa kanto at nalalasing! kay shaina nga siya naging CHEAPPPP!

  4. Denial Queen Angel Locsin!!! My Gosshh Luis give it up already d na kayo magkakabalikan..Move on !

  5. Yak!! Mga immoral. Pintotohanan ang kind of life and values sa show and entertainment business. Talaga walang moral, kasi mabilis ang pera, may palakasan, drugs, inuman, sex. Puro makatao, nakakalimutan na na may Diyos.

  6. Hindi payag makipag live in, pero payag mag out of town nang silang dalawa lang. Mag check in sa isang hotel room para maglaro ng tong-its. Galing!

    • Hoy kung kay shame madungis…mas malandi siya kesa kay ruffa no!!
      at least si ruffing at lloydie DISCREET…nagounta sila sa amerika nasundan pa! eh si shame…kung saan saan nakikitang pariwara kasama si lloydie na lasing! kadiri!! hoy lloydi gising! ang landi nga babae mong ang laki ng mata!! KUGO!

      • ang tanga mo petrang kabayo. Hindi ka marunong kumilatis ng magandang mata. Maganda pala sa iyo ang matang maliliit o tsinita. Ganyan talaga ang mga mata ng may lahing banyaga at kahit na malalaki ang mga mata ni shaina, bagay sa kanya. Susme, ang mga tao nga naman, hindi na nawala ang inggit sa katawan. Pero wag ka, lahat naman eh gustong pumuti at ipapahid ang lahat ng pampaputi, gumanda lang ang kutis, LOL!

      • Mga immoral!! Sus si Shaina mukhang inosente yun pala makati pa sa gabi! Immoral at ang lakas uminom! sabagay ano bang mga Ate niya?? Hoy John Lloyd…ginagamit ka lang ni Shame para sumikat! Ikaw naman si tanga nagpapagamit! Kung hindi mo siya pinatulan…starlet na laos pa rin si Shame! YAK NAKAKASUKA!!!
        Ni ayoko na nga sayo para kay Sarah!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.