Parehong tahimik sa isyu
Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, nag-date sa Hong Kong?!

INI-EXPECT NA ngayong linggo ang panganganak ni Katrina Halili. Naka-standby na nga ang Startalk para makunan ito kung sakali.

Pero ang naghihintay siyempre na excited nang husto si Kris Lawrence na hindi na nga raw lumalayo kay Katrina.

Nakakaloka nga si Katrina nu’ng lumabas sa Party Pilipinas para batiin si Kris, hindi na ito nakilala dahil manas na manas na siya. Any moment talaga, itatakbo na siya ng hospital para mag-labor.

Ang wish lang naman nila na sana normal ang panganganak niya dahil ayaw sana talaga ni Katrina ng caesarian.

Pagkatapos manganak ni Katrina, maghahanda na siya sa kanyang pagbabalik. Magpapayat siya nang bonggang-bongga para mabalik ang dating ganda ng katawan.

Naku! Pagbalik na lang niya ko siya susumbatan bakit inisnab ang bestfriend kong si Pinky Tobiano.

Ang ganda-ganda raw nang pagbati sa kanya ni Pinky nu’ng nagkita sila sa Batangas, hindi raw niya pinansin.

Hindi niya nakilala ang kaibigan ko, at saka baka bad mood siya nu’n kaya nang-iisnab ito nang mga bumabati sa kanya.

Mapagsabihan nga ‘yan pagbalik niya na huwag ganu’n, ‘no!

Sabi ko  nga kay Pinky, baka nalaman ni Katrina na kaibigan niya si Dra. Vicki Belo kaya niya ito inisnab. Sabi ko na lang kay Pinky, palagpasin na lang dahil buntis naman ang tao.

 

NAGLALABASAN NA ang tungkol kina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria, pero tahimik lang ang alaga ko, at pati na rin si Jodi in fairness.

Kumalat daw kasi sa internet ang mga litrato nilang magkasama sila sa Hong Kong kamakailan lang.

Alam ko nandu’n din ang kuya ni Jolo na si Bryan Revilla kasama rin ang girlfriend niya.

Hindi naman namin pinag-uusapan ni Jolo ‘yan kapag nagkikita kami. Pero nakikita kong masaya siya at tahimik lang naman din si Jodi.

Sa presscon ng Luna Blanca, ‘yun ang tinanong kay Lani Mercado. Hindi naman niya binuking kung sino ang girlfriend ngayon ni Jolo. Mabuting si Jolo na lang daw ang tanungin pagdating sa isyung ‘yan. Basta kung sino raw ang mamahalin ng anak niya, nandu’n ang suporta niya. Nakikita naman daw niyang inspired ito, kaya suportado nila siyempre.

Naka-focus naman ngayon si Jolo sa trabaho niya sa Cavite at pinaghahandaan nito ang pagtakbo niya bilang Vice-Governor ng Cavite. Kaya isinasantabi na lang nito ang pag-aartista dahil nasa Cavite lang ito lagi.

Tumatanggi rin siyang magpa-interview dahil mas gusto niyang tahimik na lang ang kung anong meron sila ni Jodi.

Mukha namang masaya siya kaya hinahayaan na lang namin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

One thought on “Parehong tahimik sa isyu
Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, nag-date sa Hong Kong?!