Parazzi photos nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz, sisiw raw!

PABIRO PERO PINALALABAS pa ni Ruffa Gutierrez na sisiw ang photo na nakitang naglalakad sila ni John Lloyd Cruz na patalikod ang kuha sa Beverly Hills. Dapat daw, may series of pictures na kuha habang pumapasok sila sa hotel na ‘yun, hanggang sa kung saan sila humantong. Binalaan nga siya ng co-host niyang si Boy Abunda sa The Buzz na lalong nag-i-instigate siya ng pangangalkal ng media sa pribadong buhay niya.

At least, hindi idinenay ni Ruffa na sila nga ni Lloydie ‘yun. Pero, super-deny pa rin siya na they’re a couple. Ibig sabihin, wala silang malalim na relasyon. Sinamahan lang daw niya si Lloydie sa pagsa-shopping at doon sa hotel na ang suggestion niya, roon sana nag-stay si Lloydie dahil pinakabongga na ‘yun sa Beverly Hills. Shopping buddies lang daw sila ni Lloydi.

Sa studio ng ABS-CBN kung saan ininterbyu mismo ni Kuya Boy si Ruffa, may mga nag-comment na “Echos!” nang sabihin ni Ruffa na may sarili naman daw siyang place sa Beverly Hills na mas maganda pa kaysa roon sa hotel, kaya bakit pagsususpetsahan na nag-check in sila ni Lloydie roon. Sa totoo lang, kahit super-explain si Ruffa, marami pa rin ang dudang hindi nagsasabi ng buong katotohanan si Ruffa tungkol sa mga isyu sa kanila ni Lloydie.

At hindi ito matatapos, dahil siyempre, hindi manggagaling kay Ruffa ang pag-amin tungkol sa kanila ni Lloydie. Lalabas siyang cheap. Kaya lang, obviously, hindi nagku-comment si Lloydi kahit marami nang naglalabasan. Kasi, ‘yun ang utos ng Star Magic.

O, ‘di ba? May sariling mensaheng ipinahatid si Mr. Johnny Manahan tungkol sa pagkakaroon ng sariling buhay ni Lloydie, na may karapatan itong mag-enjoy at mag-celebrate nang tahimik on his birthday na kasabay rin pala ng kay Ruffa.

Si Ruffa naman, just like how the cliche goes, sinabi na kahit mga artista sila, entitled sila sa privacy, etcetra, eklat. At lagi rin naming sasabihin at isusulat, kung gusto nila ng tahimik na buhay at hindi napapakialaman, huwag silang mag-artista. Obviously, kung ordinaryong tao sila na hindi kilala, well, wala naman talagang pakialam sa kanila ang publiko, ‘di ba?

Naku, hindi mahihinto ‘yan sa ganyan! Tongues will keep on wagging maski makulitan na sila’t aminin nila ni Lloydie na may seryosong relasyon na namamagitan sa kanila. Unless, mapapanindigan nila na ang namamagitan sa kanila is just an ordinary fling.

PALILIPASIN MUNA NI Richard Gomez ang 40 days na tinatawag mula nang yumao ang manager niyang si Doulas Quijano bago magdesisyon kung sino ang pipiliin niyang magha-handle ng kanyang career. Sa premiere night ng indie film na Bente na ginanap sa Podium kamakailan, nasabi ni Goma sa amin na napagdesisyunan nilang magkanya-kanya na.

We have a feeling na pinag-iisipan na ito ni Goma. Although, nang huli siyang makita sa ABS-CBN grounds, sinabi niyang dumalaw lang siya kay Willie Revillame sa Wowowee. Marami ang nagpapalagay na kumikilos na rin siya sa mga gagawin niyang desisyon. May ibang agenda ang pagpunta niya sa ABS-CBN kahit sinasabi niyang hindi raw siya lilipat from GMA-7.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

7 thoughts on “Parazzi photos nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz, sisiw raw!

  1. everyone deserves to be happy. as long as wala silang tinatapakang tao…go ahead. remember, life is short, so enjoy while you can.

  2. Ang cute nila! Yey! Ang saya ko pag may mga taong in love. Sana lahat ng tao maging masaya din sa kasayahan ng ibang tao. Pakialaman ba sila! Go ahead ruffa and JLC!

  3. WALA NAMAN MASAMA KUNG COUPLE SILA, ANG HINDI LANG NAMIN MATANGGAP AY ANG PAGSISINUNGALING NA GINAWA NILANG DALAWA. YUN ANG DAPAT NA I EXPLAIN NILA. AT ISA PANG PATUNAY NA SINUNGALING SI RUFFA, AY ANG SINABI NIYANG SINAMAHAN LANG DAW NIYA SI JOHN LLOYD SA HOTEL. DI BA MAY HOTEL NA ANG MGA STAR MAGIC, PAGDATING NILA SA AMARIKA. DAHIL MAY SHOW SILA DOON. UNLESS JL AND RG WANTS NA MAGSARILI AT ISA PANG POINT DITO NAG SHOPPING SI JL SI RUFFA ANG KASAMA!? BAKIT AYAW MONG MAKASAMA ANG MGA TAGA STAR MAGIC!? DAPAT KUNG WALA KAYONG RELASYON UMIWAS MUNA KAYONG DALAWA DAHIL MAY CHISMIS KAYONG INIWANAN SA PHILS. NGAYON NASAAN SI JL NAGTATAGO? SAYANG ANG CAREER MO JL, BAGSAK KA NA.

  4. Bakit may fans na ganyan pati buhay ng artista gusto nilang maniobrahin hindi porket sumusuporta kayo ibig sabihin pwede ninyong idikta ang gusto ninyong mangyari sa buhay nila

  5. to jlc
    gusto lang namin ipaalam sayo na hindi ka nanamin susuportahan pa.bhl ka na tutal ikaw pumili ng nyan e.panindigan mo nalang!

    ex-fans

Leave a Reply

Your email address will not be published.