Parazzi Exclusive: Diana Zubiri, nanganak na!

Nagsilang ng sanggol si Diana Zubiri noong nakaraang linggo sa Makati Medical Center, ito ang naungkat ng Pinoy Parazzi mula sa isang reliable source.

Ayon sa inpormasyong aming nakalap, ganap na alas-8 ng gabi noong nakaraang Martes, Hunyo 9, nang normal na iiri ng sexy actress ang isang malusog na sanggol na lalaki. Tumitimbang ng 6.3 lbs. ang anak ni Diana na pinangalanang Baby Boy Achilles.

“Baby Boy Achilles ang pansamantalang tawag nina Diana at ng asawa nitong si Alex Lopez sa kanilang panganay dahil daw sa laki ng taglay nitong putotoy,” pagbibida pa ng source.

Matatandaan na nagkaroon ng malaking tanong sa malasadong isip ng mga miron matapos maglahong parang bula ng Bubble Gang comediene, nang makatuwang sa buhay ang kanyang non-showbiz husband na isang mahusay na negosyante.

Nauna nang inilabas ng Pinoy Parazzi ang tungkol sa non-showbiz boyfriend ni Diana Zubiri na hindi naman itinanggi ng seksing aktres, gayundin ang pagbubuntis nito.

Linggo ng gabi nang lumabas sa Makati Medical Center ang pamilya at muling bumalik sa tahanan nila sa Xavierville sa Quezon City.

Hindi pa tiyak kung babalik na agad si Diana sa mundo ng showbiz matapos ang panganganak, at aalamin pa ng aming mole kung kailan ang binyag ni Achilles at kailan ito unang ipakikila sa publiko.

by Parazzi News Service

Related Post

loading...

20 thoughts on “Parazzi Exclusive: Diana Zubiri, nanganak na!

  1. natural buhay p c diana noh ano sama ng hindi n xa nag pakita dati at nabuntis pala xa, atleast may baby n xa may paglilibangan n gat wala pa xa ulit sa showbis.

  2. How about yung tomboy issue kay Bea at yung pagiging guy crazy ni Anne at yung abortion issue at pagpatol sa tomboy ni Angel? At yung pagiging bading ng karamihan sa lalaki ng ABS?

  3. Nanganak na? I never once heard na buntis siya—haaay I can’t keep up with showbiz chismiz anymore hahahaa my fault!

  4. Serge.

    Nandito ka pala sa site na ito para mangupal sana hindi na kita pinatulan sa kabilang column sabagay ano nga ba ang life ng isang tao na katulad mo kundi magabang ng tsismis at manira ng tao. Good luck sa iyo lol… Get a life for your own sake!

    • wow, nilahat mo na agad. Si Diana lang naman ang nabuntis at si Katrina ang may sex video! Kumusta naman kaya si Vina Morales at si Maricar Reyes??? At sa dami ng EBS talents na nadadawit ang mga pangalan sa sex videos ni Hayden (true man o hindi), kanino kayang talents ang worse??? Mayroon pa sexual harassment (Barob Geisler) at may pasaway pa sa trabaho (Jiro Manio at Christine Reyes). Sana bago mag-comment ng hindi maganda ang loyalists ng EBS, silipin muna ang bakuran ng paborito nilang station, hmmp!

      • ay meron pa nga pala, yong std ni Kris Aquino at Bruneiyuki ni Ruffa Gutierrez……hmmm sino pa ba, let me think lol…..

    • owsss….. cgurado k n lahat ng talent ng gma eh may mga sex scandal,bakit cno k para mang husga ng taong hindi m kilala noh.

Leave a Reply

Your email address will not be published.