Parazzi Chikka: Starstruck Auditions, dinumog ng bagets!

Sandamakmak na bagets ang sumugod sa auditions ng Starstruck ilang araw lang ang nakararaan. Sa totoo lang, nang napadaan tayo roon eh, hindi natin alam na auditions pala ng nasabing reality show. Kaya nakapagtatakang napakaraming nakapusturang bagets na pababa ng MRT stations sa GMA Kamuning. Na-curious naman ang ating kamerang gala kaya todo-sunod ito sa mga bagets na todo-ayos, karamihan sa kanila may yaya o P.A. pang bitbit. Nakakaloka, huh! Hindi pa nga nakapapasa ng auditions, may P.A. na! Sosyal! O, gusto n’yo bang makita ang mga mukhang ‘to sa TV, huh?!

By Parazzi Chikadora, Photos by Luz Candaba

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.