Parazzi Chikka: Yasmien Kurdi, brought bodyguards at taping

Hindi pa humuhupa ang sex video scandal nina Hayden Kho at Katrina Halili, bigla namang sumingit ang reklamong acts of lasciviousness ni Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler na kasama niya sa bagong episode na Suspetsa ng SRO Cinemaserye ng GMA 7.

Medyo sabog at magulo ang mga naunang balita tungkol sa pagsadya ni Yasmien sa Women’s and Children’s Protection Center sa Camp Crame upang ireklamo umano ng pangmamanyak si Baron na agad din daw binawi ng aktres dahil nag-sorry na ang aktor.

Nang huling makausap ng Pinoy Parazzi ang young actress, nilinaw niya na tuloy pa rin ang kanyang demanda laban kay Baron. “Ayoko nang palakihin ang gulo. Ayokong masyadong pagpiyestahan ng press pero hindi ibig sabihin na inuurong ko na ang kaso. Sinabi ko na, ayoko ng malaking gulo,” pahayag ni Yasmien.

Nakatakdang bumalik ngayong araw si Yasmien sa Camp Crame sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa kanyang reklamo.

Sinabi ng tiyuhin ni Yasmien na dapat pumunta rin doon si Baron para makunan ng sagot at baka puwede rin pag-ayusin doon ang dalawa. Kung hindi sisipot si Baron at sa tingin ng mga imbestigador ay may probable cause ang reklamo ni Yasmien, puwede nang ituloy sa korte ang asunto laban sa aktor.

Mga kasong acts of lasciviousness at unjust vexation ang balak na isampa ng kampo ni Yasmien laban kay Baron. Isasampa raw nila ito sa Bocaue, Bulacan kung saan nangyari umano ang pambabastos ni Baron sa young actress.

Nung nagsumbong sa akin si Yasmien, ikinuwento niya ang mga ginawa sa kanya ni Baron. Naroon daw na habang natutulog siya ay bigla siyang niyakap ng aktor. Naroon din daw na umaaktong nagma-masturbate sa harap niya si Baron. Naroon din daw na nang minsang bumaba siya na naka-school uniform sa bahay na pinagteteypingan nila, binosohan siya ni Baron sa ilalim ng hagdan.

Nang nakausap namin si Baron sa Star Awards for Movies noong nakaraang linggo, hindi niya sinagot ang mga ipinukol naming tanong tungkol sa insidente nila ni Yasmien. Hihintayin muna raw niya ang payo ng kanyang abogado. Hindi rin daw niya puwedeng sagutin ang tungkol sa demanda ni Yasmien laban sa kanya dahil hanggang ngayon ay wala pa raw siyang natatanggap mula sa korte. Tuloy pa rin daw siya sa taping ng SRO at sa pagkakaalam niya ay OK na sila ni Yasmien.

Inaayos ng mga staff ng SRO na hindi sila magtatagpo sa taping. Inuuna muna ang mga eksena ni Baron at saka pinapupunta si Yasmien upang hindi magtagpo sa set ang dalawa. Lagi ring may mga kasamang bodyguards si Yasmien sa taping.

Lubos ang pasasalamat ng young actress sa kanyang mga supporters, lalo na sa mga brothers and sisters niya sa Iglesia ni Kristo.

“Masaya po ako na nand’un ang lahat ng mga suporta nila, lahat po sila, pati mga fans ko po. Hindi po nila ako iniiwanan kaya maraming salamat po. Naiyak ako kasi sobra po yung suporta nila sa akin, sobrang touched po ako,” maluhaluhang pahayag ni Yasmien.

Parazzi Chikka
by Gorgy Rula

loading...

9 thoughts on “Parazzi Chikka: Yasmien Kurdi, brought bodyguards at taping

  1. This is a very intriguing post, I was looking for this information. Just so you know I located your weblog when I was checking for blogs like mine, so please check out my site sometime and leave me a comment to let me know what you think.

  2. naku mga starlets ng gma parang mga pakangkang…. nangunguna si mariang isdang rivera pakangkang, katrina halili pakangkang, sinundan naman ni jasmin pakangkang at si jenelyn mercado pakangkang din…ano ba yan gma mga portalet queens…ewwww

  3. hay naku papansin lang tong matabang to..hehe..kung gusto mong kasuhan yong baron..ipatawag mo sa korte..bat hanggan ngayon wala pa rin..im sure publicity lng yan para mag clik ang show..laos na kasi

Leave a Reply

Your email address will not be published.