Parazzi Chikka: Sexy singer Selina Sevilla, nabubulok ang pinaretoke


NAGPATUROK NG SILICONE gel sa kanyang puwet ang sexy singer na si Selina Sevilla para sumeksi pa. Aminado kasi si Selina na likas sa kanya ang pagiging banidosa. Pero hindi niya akalain na ‘yon na rin ang magiging bangungot niya.

“Eleven years ago, nagpalagay ako ng silicone oil gel sa p’wet ko. Gusto ko kasing umumbok pa,” simula ni Selina. “Napansin ko kasi do’n sa mga friends ko na mga nagso-show, ba’t ang gaganda nila? So, ini-recommend nila itong doktor na mahusay raw. Siyempre, naniwala naman ako agad dahil may mga artista at sexy stars na mga naging pasyente niya.”

Patuloy niya, “nagulat lang ako nu’ng pagpunta ko sa clinic niya, parang bahay lang. Parang ginawan lang ng clinic. Pero hindi pa rin naman ako nagduda, kasi nga, sabi ng mga kaibigan ko na mahusay naman siyang doktor.”

Bakit gusto niya pang magpaganda ng puwet?

“That time, kilala na kasi ako na sexy singer. Saka sa mga shows ko, lagi kasing gusto nila na magpaseksi ako. Sexy rin naman kasi ang mga kanta ko,” sagot ni Selina. Isa sa mga sumikat na awitin ni Selina ay ang Nilunok Ko Ang Lahat.

Kailan nagsimulang makaramdam siya ng kakaiba sa niretoke sa kanya?

“After two years, sa isang show ko sa London, bigla na lang nanigas ‘yung p’wet ko. Sinabi ko ‘yon sa doktor, paliwanag niya, normal lang daw ‘yon. Dahil malamig daw sa London, normal daw na reaksiyon ‘yon dahil silicone oil nga. Tinanong ko rin ‘yung iba kong mga kaibigan, sabi nila, okay lang daw ‘yon. Sabi rin nu’ng doktor, masa-masahehin lang daw ‘pag tumitigas. ‘Yon pala masama ‘yung gano’n.

“After four years, nagsimula na siyang mamaga at parang may makati na hindi ko maintindihan. Nararamdaman ko sa loob na parang may mga anay na kinakain ‘yung kalamnan ko. Masakit na rin siya lalo na kapag nababangga. Kaya ipinatingin ko na sa ibang doktor, ang sabi nga nila, parang kinain na ‘yung iba kong laman,” naluluhang kuwento ni Selina.

Bakit niya ito itinago nang matagal na panahon?

“Nahihiya kasi ako nu’ng una,” agad niyang sagot. “Saka wala rin naman akong perang ipanggagastos agad sa operasyon. “Matindi rito ‘yung mental at emotional pain na nararamdaman ko ngayon. Bilib nga ‘yung mga doktor sa akin na nakakayanan ko pa ‘yung physical na sakit, e.”

Bakit ngayon lang siya nagsasalita gayong eleven years na ang nakaraan sa operasyon niya?

“Ang gusto ko ngayon, lumabas na rin ang iba pang mga nabiktima ng doktor na ito. Alam ko, marami sila. Nakita ko ang mga taong nagsampa ng kaso laban sa kanya, pero hindi nga nila ‘yon maituloy dahil wala silang pera,” pahayag ni Selina.

Nagsisisi ba siya sa kanyang ginawa?

“Oo. Pero ang gusto ko lang naman, maayos ang sarili ko. Kung sinabi lang sana ng doktor na ito na magkakaganito ako, sana hindi na umabot pa sa ganitong sitwasyon. Sa ngayon, nasa NBI na ang kaso,” naiiyak pang sabi ni Selina.

Tiyak na sasabihing gumagawa lang siya ng ingay dahil nagbabalik-showbiz siya.

“Expected ko na ‘yon,” agad na sagot ni Selina. “Ang sa akin lang, singer ako, nasa showbiz, pero ordinaryong katawan pa rin naman ng tao ang katawan ko. Hindi ko naman sinasabing tumigil na ang mga nagreretoke rito. Sana lang, ayusin nila at maging totoo sila sa mga pasyente nila. Para wala nang katulad ko na nabibiktima nila.”

Sa susunod na buwan, dadaan sa ilang operasyon si Selina sa suporta ng Philippine Association of Plastic Reconstructive and Aesthetic Surgeons. At kahit may agam-agam kung ano ang kahihinatnan ng pagdaraanan niya, malakas pa rin ang fighting spirit ng sexy singer na malalampasan niya ang lahat.

Parazzi Chikka
by Eric Borromeo

loading...

22 thoughts on “Parazzi Chikka: Sexy singer Selina Sevilla, nabubulok ang pinaretoke

  1. alm mu audrey i think ur so chaka…. bat ka nag ko-comment if u reAlly dont care about selina… dats the logic gurl… ang bobo mu….. slot ka… whahahahah

  2. sana masali ka sa may bukas pa at hilingin kay brow gumanda pa pwet mo kc pangtelesrye ang buhay mo girl!!!! omg…. may bukas pa girl…. tsaka maganda naman boses mo eh….. go!!!!!!!!!!!

  3. can’t blame her she’s in showbiz….there’s always a pressure to look good and sexy…..and the competition is tough…..

  4. my god thanks to selina… 4 having a public awareness… o.m.g balak ko p nmn magparetoke …. dapat makulong yang hayop na doktor n yan… go gurl..

    • praning naman tong juju na to or jojo, or kung anu anu pa man gamitin mong username…

      ikaw yata di nakapanood ng xxx, panoorin mo ulit ng sampong beses sa pinoychannel.tv…malaman mo mga pinag sasabi mo..anung si selena, hindi yun si selena bobo..mangchichismis ka lang di mo pa siguraduhing mabuti..bintang ka na lang ng bintang..bobo panoorin mo ng husto ha..para mapahiya ka sa mga pinag sasabi mo..gunggung!!!

      • bat ka galit?
        masyado kang apekted ah
        ikaw ba inaano ko ha?
        wala kang karapatan tawaging gunggung kasi d mo naman ako kilala at d kita kilala.
        kaya shuttup

    • tange! basahin mo nga ulit ung sinabi niya. ” nagulat lang ako nu’ng pagpunta ko sa clinic niya, parang bahay lang”.
      hindi ako sigurado pero alam ko na meron siyang ilang branches sa kamaynilaan.

  5. naku, i am thinking pano sya umuupo o himihiga o natutulog the whole time na naimpeksyon na yun pwet nya ?ang hirap sigurado non! my gosh

    kaya mo yan girl!!!

  6. nilagyan mo na lang sana ng butt foam..yung sinusuot para umumbok ang pwet,wala pang side effect…kaya ako,talagang takot ako sa retoke na yan,sooner or later may bad effect talaga yan..iba pa rin ang natural…

  7. masamang kasi yung naiinggit sa kapwa. kung gusto mo sana lumaki pwet mo, sana pinahimas mo na lang yan. saka kahit anong ganda ng pwet mo, inodoro pa rin ang makikinabang dyan. unless kung nag aarinola ka.

  8. yan kasi hindi makuntento sa mga katawan nila. kung anu binigay syo ni Lord makuntento ka na lng. Be Contented! I’m not against sa pagpaparetoke kya lang syempre wlang kaseguraduhan ung pagpaparetoke.” Nobody’s Perfect”!!!

    • hay… ang tapang mo girl…. ikaw ang unang showbiz na naglakas ng loob amining may bad effect ang retoke kaya we admire you kc dami artista puro kagandahan lang ang sinasabi… mga plastic sila… ikaw ay isang toong tao… kaya lang girl…madala ka na… at kaya mo yan…. mapapanuod ka na ba sa t.v. uli….

Leave a Reply

Your email address will not be published.