Parazzi Chikka: Sarah Geronimo and Mark Herras, to do a film together?

SOBRANG SUCCESSFUL ANG nakaraang concert ni Sarah Geronimo sa Camarines Sur kamakailan. Isa iyon sa Philippine tour ni Sarah, kung saan kinuha ng Viva Records na special guest si Mark Herras.

Doon nakita ng mga taga-Viva na may chemistry rin pala ang dalawa kaya malay natin, baka maisip nilang gawan sila ng pelikula.

Kuwento nga ni Gov. LRay Villafuerte ng Camsur, itong concert daw ni Sarah ang pinakamalakas so far, na ang tantiya niya mahigit 200,000 katao ang pumuno sa sports complex na pinagdausan nito. Halos magiba ang venue nang lumabas si Mark at naka-duet ang Pop Star.

Takot na takot nga si Mark dahil hindi naman siya kagalingang kumanta, kaya tinulungan ito ni Sarah para hindi naman kahiya-hiya kung sumabit ito. Sinasalo raw siya ni Sarah kapag medyo nangapa na si Mark kaya malaki ang pasasalamat ng young actor dahil hindi siya pinabayaan ni Sarah. Pero nang humataw na sila nang sayaw, doon bumawi si Mark at lalong lumakas ang tilian.

Bago natapos ang concert, nag-sun dance pa silang dalawa, kaya halos mabaliw na ang mga fans sa katitili. Doon nga nakita ng mga taga-Viva na hindi lang pala si John Lloyd Cruz ang bumagay kay Sarah kundi si Mark din.

Naintriga na nga silang dalawa noon kaya ingat na ingat si Sarah at medyo ilang din si Mark na makipagtsikahan sa dalaga. Doon nga lumabas ang pagka-torpe ni Mark dahil hindi man lang ito nakapagbeso kay Sarah kundi hanggang shake hands lang. Hindi rin sila nakapag-usap nang medyo matagal dahil nandiyan ang Daddy at Mommy ni Sarah na nakabakod sa dalaga.

Nagpapasalamat naman si Mark dahil siya ang napili ng Viva na kuning special guest sa tour ni Sarah. Sana nga matuloy ang pinag-uusapang pelikulang pagsasamahan nila.

Parazzi Chikka
by Gorgy Rula

loading...

7 thoughts on “Parazzi Chikka: Sarah Geronimo and Mark Herras, to do a film together?

  1. hoi….o.a nyo nman…kung ayaw nyo ky sarah wag nman ganyan ang sabihin nyo…kung kayo kaya ang pagsabihan ng masam…..kaya nyo kaya…so plzzzz stop that issue…kung matuloy man yang project na yan edi good for ms.sarah….bait2 kaya nya…..kaya nga sobrang bless nya….because of good attitude…gogoggo….idol SARAh…..love you ng todo2….godbless..

  2. ano bang mawawala kung e tra-try natin dba, bagay naman cla ah,,gogogo MarAh..oh dba bagay..sana magkaroon kayo ng movie together…wait ko movie nyo..tnx..ahehe

  3. ..hnd q rn ppanoorn ang movie na to…i dont like mark H.

    ..just my opinion lng po..bka kc mgbatikos nanamn c ms. cristy fermin na oa ang mga fans n sarah na hnd mn lng nya na specific kng cno..pti 2loy lhat ng fans ndmay kh8 hnd kmi against ky mega sharon C.sobra na kc c ms. cristy fermin ee…sna estop nya yan ang ang pgpapasama ky sarah kc kh8 c sarah nmn hnd nya mppgilan nu…dont be so judgmental ms.cristy wlang nmng ka22hnn ang mga pngsusulat mo ky sarah g.

Leave a Reply

Your email address will not be published.