Parazzi Chikka: Regine Velasquez, pinilit lang ni Ogie Alcasid?

PINILIT LANG BA o napilitan lang ang Asia’s Songbird na um-attend ng premiere night ng pelikulang Oh My Girl!(OMG)?

Marami kasi ang nakapansin kay Regine na mukhang hindi pinaghandaan ang pagdalo sa nasabing premiere ng pelikula na pinagbibidahan ng kanyang dyowang si Ogie Alcasid at ni Judy Ann Santos. Wala nga raw kasi itong kaayus-ayos, konting make-up lang at hindi na yata nag-isip ng kung anong isusuot para sa naturang event.

May nag-chika pa tuloy na parang kinulang naman si Regine ng support kay Ogie. Pero in fairness, maganda naman si Regine nang gabing iyon, kahit pa white sleeveless blouse lang at blue jeans ang get-up nito, with matching pony tail sa buhok. Sabi nga, very natural ang kanyang beauty.

Ginanap ang premiere night ng OMG sa Trinoma Cinema noong Lunes, July 27.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.