Parazzi Chikka: Paolo and Lian, living together?

NABIGYAN KAMI NG pagkakataong madalaw ang bagong townhouse na tinitirhan ngayon ni Paolo Contis pagkatapos mapabalitang pinalayas daw ito ng kanyang ina dahil sa pakikipagrelasyon nito sa EB Babes dancer na si Lian Paz.

Simple lang ang bahay na may tatlong bedroom at nadatnan namin doon si Lian.

Ang unang tanong namin, kung nagli-live na nga ba silang dalawa? “Hindi! Madalas lang siya rito dahil ipinagluluto niya ako. Iyon lang ang hindi ko pa alam eh, magluto,” mabilis na sagot sa amin ni Paolo.

Nilinaw sa amin ni Paolo na hindi siya pinalayas ng kanyang ina. “Hindi. Kumbaga, hindi lang okay ang pag-alis ko, pero hindi ako pinalayas. Until now, I still have my room. It’s there, dumadaan pa ako sa bahay na ‘yun.

“Ang sabi ko lang, ito na ‘yung tamang timing since hindi na ako bumabata. Okay naman sa Daddy ko, so lumipat ako,” pahayag ng aktor.

Inamin niyang hanggang ngayon, wala pa silang komunikasyon ng Mama niya. Madalas daw niya itong tini-text pero hindi ito sumasagot.

Tanggap niya ang malalim na pagtatampo ng kanyang ina, dahil ngayon lang daw sila nag-clash ng ganu’n katindi. “Pareho kasi kami ng ugali, parehong ma-pride. At siguro, nagwu-worry lang siya sa akin, pero tama lang siguro na mag-solo at gusto ko lang iparating sa kanya na okay ako,” patuloy nito.

“Hindi ako umalis ng bahay para magloko. Hindi ako umalis ng bahay para siraan ‘yung trabaho ko. Ipinapakita ko lang na mali ‘yung nababalitaan niya sa mga kaibigan niya, na kung anu-ano’ng ginagawa ko, whatsoever,” dagdag pa ni Paolo.

Isa nga sa malaking dahilan nang matinding away nila ng kanyang Mommy ay si Lian.

Pero sana binigyan man lang daw ng pagkakataong maipakita ni Lian na mali ang mga kuwento tungkol sa kanya at ang pangit na reputasyon.

Hindi napigilan ni Lian na umiyak nang napag-usapan ang kalagayan nila ni Paolo. Naawa raw siya sa aktor dahil nakikita nito minsan na malungkot, dahil nami-miss nito ang pamilya niya. Naisipan raw niya minsan na lumapit sa Mama ni Paolo para pakiusapan pero pinigilan lang ito ng mga kaibigan nila dahil kilala nila ang ugali nito. Idinadaan na lang ni Lian sa dasal ang lahat na balang-araw, tanggapin din sila ng pamilya ni Paolo.

“Kahit hindi na ako muna. Si Paolo na lang, dahil nakikita ko namang kailangang buo silang pamilya gaya ng sa amin,” pahayag ni Lian.

Sa ngayon, nag-leave si Lian sa Eat Bulaga dahil kailangan daw niyang sundin ang payo ng doktor niyang magpahinga dahil sa cyst sa kanyang ovary. Medyo gumaganda naman daw ngayon ang kalagayan niya at lumiliit ang cyst. Kaya baka madala naman daw sa gamot at hindi na kailangang operahan.

Naikuwento rin ni Lian sa amin na nagkita na sila minsan ni Isabel Oli sa isang event ng PLDT MyDSL, kung saan isa sa mga endorsers ang dating girlfriend ni Paolo.

Regular dance performer din doon ang EB Babes at minsang sumama si Lian, hindi alam ni Isabel na nasa loob ito ng van, Binuksan daw ni Isabel ang van at bumati sa kanilang lahat, at ngumiti nga raw si Lian sa kanya. “Hindi niya siguro alam na nand’un ako. Baka hindi niya ako nakita kasi nasa dulo ako nakaupo,” kuwento ni Lian.

Kung si Paolo ang tatanungin, gusto rin niyang maging kaibigan si Isabel. Wala naman daw silang pinag-awayan na matindi at lahat naman ng ex-girlfriends niya, naging kaibigan niya.

“I’m sure happy naman siya sa akin,” dagdag pang pahayag ng aktor.

Parazzi Chikka
by Gorgy Rula

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Parazzi Chikka: Paolo and Lian, living together?

  1. wahhhhhhhhhhhhhhhhh
    ang msa2bi ko lng……naging xgirlfriend sya ng xboyfriend ko(pro nauna me b4 sya)wehhhhhhhhhhhh
    nd i think mataas ang pngarap nya at ng pmilya nya
    un lng

  2. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. #2 Issue #62

Leave a Reply

Your email address will not be published.