Parazzi Chikka: Marian Overload Ngayong Agosto!

Bonggang-bongga talaga ang buwan ng Agosto hindi lang dahil sa ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika kundi dahil na rin sa dami ng proyekto ni Marian Rivera, the birthday girl!

Marami na ang nag-aabang sa muling paglipad ni Darna. Sabik nang makita ng mga barakong makita si Marian bilang isang super seksing superhero. Kakikiligan naman kaya ang tambalan nila ni Mark Anthony Fernandez? Magiging kontrobersyal kaya ang labanan nila ni Iwa Moto?

Ipalalabas na rin ang Show Me The Manny, ang kauna-unahang sitcom ng dalaga kasama ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao! Ngayong Agosto 26 na rin ipalalabas ang horror film na Tarot, kasama naman niya sina Dennis Trillo at Roxanne Guinoo. Balita rin na my nakalinya na namang commercial ang dalaga na lalabas ngayong Agosto.

Bagong primetime show, sitcom, pelikula at endorsement. Truly, August is Marian Rivera’s month! Todo na ‘to!

Parazzi Chikka
by Mica Rodriguez

Click to enlarge.

Previous articleBea Alonzo, gustong sumunod kay Tita Cory? by Ronnie Carrasco
Next articleWillie Revillame, asal-kalye by Cristy Fermin

No posts to display