Parazzi Chikka: Jomari Yllana retaliates!

Parazzi Chikka
by Parazzi News Service

MULA NANG SUMAMBULAT sa showbiz ang hiwalayang Jomari Yllana at Pops Fernandez, clueless pa rin ang lahat sa ‘tunay’ na rason ng break-up. Nangyari pa nga ito sa panahong halos katatapos lang ng reunion concert nina Martin Nievera at Pops, na produced ni Jomari.

May mga naunang lumabas na report na pera diumano ang pinag-awayan nina Jomari at Pops. ‘Di pa raw nababayaran ni Jomari ang talent fee ng Concert Queen, bukod pa sa sinasabing utang na P500,000. Sa ibang showbiz news naman, may kinalaman umano ang third party sa break-up ng dalawa. Mayroon pa ngang nagsasabi na baka nagselos nang husto si Jomari sa ipinakitang ‘sweetness’ sa isa’t isa ni Martin at Pops during their concert.

Nauna nang nagbigay ng pahayag si Martin tungkol sa isyu, at sinasabi niyang wala siyang kinalaman sa gusot ng dating asawa at ni Jomari. May mga sinasabi umano si Pops sa kanya, pero hindi pa rin naman naging malinaw sa entertainment press kung ano talaga ang real score ng isyu.

Sa bahagi naman ni Pops, nagpainterbyu na rin ito sa Showbiz News Ngayon kay Boy Abunda, at itinanggi lang niya na may kinalaman ang pera sa paghihiwalay nila ni Jomari. Maging siya nga raw, nagulat nang malamang hiwalay na sila ng boyfriend for almost three years. Pero wala pa ring linaw sa tunay na dahilan ng hiwalayan.

Lumalabas ngang kailangang magsalita na ni Jomari, at linawin na once and for all ang isyu, dahil lumalabas na siya ang kontrabida sa anggulo ng kanilang hiwalayan.

Sa bagong palabas ng GMA na Cool Center nakatakdang magsalita si Jom. Kung anuman ang ihihirit ni Jom sa kuwento, sana lang maging malinaw na ang lahat, at nang matuldukan na ang isyung ito.

PHOTOS BY FERNAN SUCALIT & PARAZZI WIRES

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.