Parazzi Chikka: Iwa Moto, malupit ang kamandag!

Hindi lang si Marian Rivera ang inaabangan sa Darna, kundi maging ang mga nagseseksihang babaeng kontrabida tulad nina Maggie Wilson, Nadine Samonte, Krissa Mae Arrieta, Francine Prieto at siyempre, si Iwa Moto bilang pinakabagong Valentina.

Hindi na bago sa bad girl roles ang Pinay/Japanese beauty na ‘to. Ang maganda kay Iwa, kitang-kita ang kanyang kasiyahan nang ipagkatiwala ng network sa kanya ang primera kontrabidang papel na ‘to. Paniguradong ikukumpara ang performance n’ya sa pinakahuling naging babaeng-ahas na si Alex de Rossi, pero mukhang may malaking pagbabago na in terms of costume at pang-aahas.

Magiging matagumpay kaya ang pagpapatikim ng lupit ng bagong Valentina kay Darna? Ito na rin kaya ang hudyat para maitaas ang ranking ng dalaga sa sexiest pinay para next year? ‘Yan ang ating aabangan!

By Mica Rodriguez

Photos By Luz Candaba, Mark Atienza and Ronnie Bernaldo

Click to enlarge.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.