Parazzi Chikka: Glaiza de Castro, pahihirapan si Rhian Ramos!

Si Glaiza de Castro na siguro ang isa sa pinaka-suwerteng Kapuso actress ngayon. Hindi lang kasi siya sa pelikula mabenta kundi maging sa telebisyon. Kinaiinisan siya ngayon ng mga Sinenovela addicts dahil sa pagpapahirap niya kay Maxene Magalona sa Kung Aagawin Mo Man Ang Lahat Sa Akin (KAMMALSA). Ito lang ang nagpapatunay na versatile ang batang aktres dahil pwede siya sa bida at kontrabida roles.

Mapapanood na natin si Glaiza sa primetime sa Philippine adaptation ng Stairway to Heaven. Siya lang naman ang napili para gumanap bilang si Eunice, ang babaeng kinainisan, kinamuhian at kasumpa-sumpa dahil sa sobrang kasamaan. Challenge para kay Glaiza ito dahil physically and emotionally draining ang nasabing palabas. Magiging epektibo kaya ang pagpapahirap ni Glaiza kay Rhian? Abangan!

Photos By Mark Atienza, Luz Candaba and Yomen

Parazzi Chikka
by Mica Rodriguez

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.