Parazzi Chikka: Cristine Reyes, bagong babae ni Richard!

Out na nga si Heart Evangelista bilang leading lady ni Richard Gutierrez sa Patient X. Isinugod kasi si Heart sa ospital pagkatapos mag-complain ng stomach ache. ‘Yun pala, malala na ang appendicitis nito kaya inoperahan ito agad. Kinailangan niyang magpahinga ng mahigit isang linggo kaya pati ang shoot ng kanyang seryeng Ngayon at Kailanman ay natigil muna. Hinahabol naman ng mga producers ng Patient X ang target playdate nito kaya kailangan nilang maghanap ng bagong leading lady.

Si Cristine Reyes ang bagong kapareha ni Richard sa pelikula. Buti na lang at co-producer din ng pelikula ang Viva kung saan contract star din ang sexiest pinay. Mukhang bumabawi talaga si Cristine sa panandalian niyang pagkawala sa showbiz. Siya rin kasi ang cover girl ng FHM for September at sinusubaybayan din ng mga Kapamilya ang kanyang Your Song presents Babalik Kang Muli. Paniguradong masaya na naman ang mga adiks d’yan, diba Dennis?!

By Mica Rodriguez

Photos By Fernan Sucalit, Mark Atienza and Yomen

loading...

5 thoughts on “Parazzi Chikka: Cristine Reyes, bagong babae ni Richard!

  1. isa pa yang si Richard mahilig gumimik sa partner nya pero wala din ,para sa publicity lang pala na lumiligaw o may relasyon. ,dyos ko mukhang pareho sila ng gender ng kambal nya.okey lang kung magladlad ka tanggap ko na.

Leave a Reply

Your email address will not be published.