Parazzi Chikka: Charice Pempengco, binastos ni Willie Revillame?!


Jampacked ang Harrah’s and Harvey’s Outdoor Arena dahil sa show ng Wowowee sa Lake Tahoe nitong September 6, 2009. Depensa ng mga TFC fans ng Wowowee, pumunta sila roon para mapanood ang pinakamamahal nilang host na si Willie Revillame. Ilang linggo na rin kasing hindi lumalabas ang famous TV host sa kanyang noon time show. Pero, sabi naman ng aming miron, dumagsa talaga ang mga tao roon dahil kay Charice Pempengco.
Kumanta si Charice ng “Run to You” ni Whitney Houston bilang finale sa show. Nang matapos kumanta ang world-famous young singer, talagang malakas ang maririnig na palakpakan. Kahit nga sa YouTube lang natin napanood ang video, rinig na rinig ang hiyawan ng mga fans. Hindi pa naman tumatagal ng isang segundo ang palakpakan, biglang sumingit ang kontrobersiyal na TV host. Kailangan daw putulin ang palakpakan dahil may oras daw silang sinusunod, sabay s’ya kumanta ng theme song ng Wowowee.
Maraming fans ang galit dahil sa hindi man lang hinintay na palakpakan ang kanilang idol na si Charice. Hanggang sa US ba naman, dala pa rin ni Willie ang kagaspangan ng ugali n’ya?
Photos by Mark Atienza at Allan F. Sancon

Previous articleMarian Rivera, pinaiyak ni Dingdong Dantes? – Gorgy’s Park
Next articleNikki Valdez, hindi totoong hiwalay sa asawa!

No posts to display