Parang ulam na masarap tingnan pero kulang sa lasa: Show ni KC Concepcion, sisibakin na rin?

DISMAYADO ANG BUONG angkan ni James Yap sa nangyari. Awa ang naramdaman ng mga angkan ni James sa basketbolista dahil bago pa pala ito magdesisyon noon na magpakasal kay Kris Aquino, halos lahat ng mga kamag-anak ng MVP ay nagbigay-payo.

“Actually napakabait na bata ni James. Hindi natin madi-deny na lapitin siya ng mga babae. Pero lapitin siya, hindi dahil siya ang may gusto. Pagdating kasi sa mga babae, ang lakas talaga ng appeal ng batang iyan,” pahayag ng aming source na malapit na kamag-anak ni James, na nagsabi ring bukod sa “mabait” ay masyadong pasensiyoso pa ito.

Sa kabilang banda, inaasahan ng pamilya ni James na magiging madali ang pagsasawalang-bisa ng kasal nina James at Kris.

“Siguro para sa amin, mabuti na rin ‘yun para manahimik na lahat. Pero sana, huwag alisin ni Kris ang karapatan kay Baby James. Dahil bali-baligtarin man ang mundo, anak niya iyon.”

Taus-puso ang ginagawang pagsisisi at pakikipag-ayos daw ni James kay Kris. Pero “pride” na raw ang dahilan kung bakit imposibleng “baliin at bawiin” pa ni Kris ang mga nauna nitong desisyon.

“Sa pagkakaalam ko, mahal pa rin ni Kris si James, pero dahil sa pride kaya pangangatawanan na niya kung anuman ‘yung mga sinabi niya noon,” pagwawakas ng kausap namin.

BUKAS ANG KAISIPAN at pananaw ni John Lloyd Cruz sa usaping Toni Gonzaga dahil malapit na nilang simulan ang shooting ng gagawin nilang pelikula under Star Cinema. Pero biglang nahalinhan nang mapait na ngiti nang itanong namin sa kanya kung ano ang kanyang komento ngayong masaya na si Ruffa Gutierrrez sa manliligaw na si Cesar Flores. “Huwag na, tama na. Huwag na natin siyang pag-usapan,” ‘yun lang ang nasabi ni John Lloyd.

Sa kabilang banda, wala ring nakikitang masama si John Lloyd kung hindi na muna sila gagawa ng pelikula ni Sarah Geronimo. “Siguro dahil masyadong maaga kung magkakaroon na nang part 3 ‘yung movie namin. Sa napanood ko kasing interviews niya e, wala naman siyang masamang sinabi againts me at kung ang desisyon niya ay huwag muna kami uling magsama in one movie, iginagalang natin iyon,” sey ni John Lloyd.

KAILANGANG KUMILOS ANG Simply KC staff dahil any moment ay posibleng sibakin ang nasabing programa. Bukod kasi sa hindi ito nakakukuha ng matataas na ratings, walang dating ito sa viewing public.

Ewan, pero parang may kulang kay KC kapag siya ay nasa harap na nang sarili niyang programa. Para bang kahit anong ganda ng segment na kanyang inihahain sa publiko ay walang dating iyon. Kumbaga sa ulam, masarap lang tingnan pero kulang sa lasa.

Hindi natin tinatawaran ang kakayahan ni KC o ng buong staff ng simply KC, pero baka lang may nakaliligtaan silang “sahog” kung bakit kahit anong ganda ng presentasyon na kanilang gawin, hindi pa rin ito kinakagat ng mga manonood. Kaya no wonder kung isang araw, tsugi na rin ito sa ere.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

32 thoughts on “Parang ulam na masarap tingnan pero kulang sa lasa: Show ni KC Concepcion, sisibakin na rin?

  1. si kc, anak lang siya ni sharon kaya may mga shows. malakas ang ina kahit na alam ni mega na wala naman telnt ang anak. nag acting na ito, kumanta, sumayaw sa ere, at hosting, wala pa din dating. mukha pang bakla. dapat dito, behind the camera na lang kasi nakaka inis pag nag interview. feeling niya may sense ang sinsasabi pero wala naman. she is so trying hard to be a host or an actress. calling ABS, look around and there are still more talented stars in your backyard other than this transvestite na super arte and plastic like her mama balyena mega

  2. ABS CBN should now focus on Denise Laurel and
    Rafael Rossel loveteam. I am currently watching
    ‘kristine’ and I would say the Denise-Rafael loveteam
    will be a hit, bagay sila, me chemistry. If given more
    exposure, the Denise-Rafael loveteam will be a big
    challenge to Kim-Gerald, Enchong-Erich and Bea-LLoyd
    loveteams. I am positive.

  3. ABS CBN SHOULD GIVE BREAKS TO OTHER ARTISTST INSTEAD OF JUST FOCUSING ON KC AND KIM CHUI ETC DONT WANNA DRAG NAMES BUT ; THERE BEING SO UNFAIR
    THEY SHOULD LETS OTHER STARTS EXPLORE THERE TALENTS ;
    SANA WAG LANG SI KC AND BINIBIGYAN NANG PROJECTS

  4. i dont need to hate on kc cause i was usually so obessed with her because , of the movie she did with richard ; it was realllyyy goood ;maganda and tandem nila..but now shes now been braught into piolo ..gross and other randos ; and now that she has a show ; i jst started getting tired of her “WALANG KA KWENTANG KWENTANG QUESTIONS AND ANSWERS ” NO OFFENCE BUTTT SHES REALLY BADD

  5. Tama si Antonio, sobra sa publicity si KC Concepcion,
    masyado siyang binigyan nang publicity nang ABS-CBN
    pero hindi siya kinagat nang publiko, mababa ang rating
    nang kanyang mga shows at maski ang pelikula niya
    na ‘I’ll Be There’ ay hindi gaanong kumita sa takilya
    kahit bugbog sa promotions. I agree with Antonio na
    ang mga unang pelikula ni KC with Richard Gutierrez
    ay kumita dahil nadala si KC nang popularity ni
    Richard although hindi rin marunong umarte si Richard,
    guwapo lang at maraming fans. Ang personality at
    beauty ni KC ay hindi pang-masa tulad nang mother
    niya na si Sharon na talagang pang-masa ang ganda.
    Kaya mahihirapan si KC na abutin ang ‘supertar’
    stature, mas mabuti pa si Andi Eigemman, unang
    bida sa Agua Bendita, nag-hit nang husto sa publiko,
    although mestiza at social ang dating ni Andi pero
    nag-click siya sa publiko dahil ‘star material’ ang
    dating niya.

  6. ewan ko bakit parang walang dating si kc. sana nagmodel na lang siya. kasi parang mediocre actress, mediocre host… eh i think this person has a good heart. sana hinasa muna niya ang talent niya bago siya sinabak. sayang kasi eh.

  7. To Antonio…

    Si Richard Gutierrez ang nagdala ne pelikula nila ni KC Concepcion? Are you on crack or something?

    Si Richard G marunong umarte and may appeal sa publiko????? Are you joking??????? Ha! Ha! Ha! Hindi maging artista si Richard kung hindi yan dahil kay Anabil! Walang ka talent-talent at hindi talaga marunong umarte. Mestizo lang si Richard pero hindi naman talagang gwapo compared to the other male actors at pangit pa ng katawan dahil mataba!!! HA! HA! HA!

    Lahat ata ng mga anak ni Anabil ay wala talagang talent!!!

  8. whoaaaaaaaaaa dami namang affected d2 at mga bitter! bakit ba pag-initan nyo ang pagiging anak ni kc ni sharon at gabby? na wala na syang karapatan? marami naman dyan nagshowbiz din mga anak ng sikat o di sikat na artista ha? di na kasalanan ni kc kung bkit nabuhay sya sa mundong ito na anak ng mga sikat at maganda siya mayaman mabait at maraming blessings sa life dahil mabait siya at matulungin pa! sori nalang ang iba dyan na bitter! mukha nyo kasi bitter din! hahah

  9. Kilala si KC not as a good actress or even a good host… Kilala lamang siya bilang anak ni sharon at gaby… Sa abs eh they already consider her as a superstar kuno… Pero sa mga mata ng mga tao eh malayo pa ang lalakbayin nito at marami pa siyang dapat patunayan… Abs already gave her very big responsibilities pero makikita mo talaga na unpolished pa sya skillwise… If KC wants to be succesful on her own she should start first by establishing herself outside of her mom or dad’s shadows.

  10. nako, si kc e naging sikat kasi anak sya nila gabby at sharon. in fact, sya ang pinakasikat na anak ng artista na kahit hindi pa sya artista noon talagang pinag-uusapan. ngayon ng lumaki na sya, inaantabayanan ng madla ang pagpasok nya sa showbiz. pero sa umpisa, hindi muna pinalalabas sa kung saan-saan si kc para nga naman daw meron pang mystery. pero ng lumaon at nakita ng sya ng madla at mapanood na kung paano umarte…wala lang. para lang syang isang barbie doll na ang ganda-ganda pero walang kabuhay-buhay.

  11. tama ka dyan parang ulam si kc na mas masarap kainin at kan210…parang isang sosyal na sabik na sabik sa romansa pero mkulang sa lambing

  12. BAKIT KASI PINAGPIPILITAN SI KC, E HINDI SYA PWEDENG MAGING SHARON CUNETA O KRIS MAN LANG… MALAYONG MALAYO PA ANG LALAKBAYIN NYA, GINAGAYA PA NYA SI BOY ABUNDA, E IBANG IBA NAMAN SI BOY SA KANYA! HILAW PA KASI E PINILIT NG PITASIN! AYAN, MAPAKLA TULOY, HINOG SA PILIT, DI RIN NAKUHA SA KALBURO! MAASIM!!!

  13. Sobra ang publicity kay KC Concepcion dahil anak
    ni Sharon Cuneta pero pagdating sa tv shows mababa
    ang ratings, pati sa pelikula hindi masyadong kumikita
    ang pelikula niya except nang-ipartner siya kay Richard
    Gutierrez, of course si Richard ang nagdala nang pelikula.
    Hindi ma-appeal si KC sa publiko, hindi siya talagang
    star material, dinadaan lang sa sobrang publicity.
    Let’s face it, mas sikat pa sa kanya si Angelica
    Panganiban ( box-office hits ang dalawang pelikula ni
    Angelica) samantalang so and so lang ang kinita sa
    takilya nang ‘I’ll Be There’.

    • Antonio,

      Si Richard Gutierrez ang nagdala ne pelikula nila ni KC Concepcion? Are you on crack or something?

      Si Richard G marunong umarte and may appeal sa publiko????? Are you joking??????? Ha! Ha! Ha! Hindi maging artista si Richard kung hindi yan dahil kay Anabil! Walang ka talent-talent at hindi talaga marunong umarte. Mestizo lang si Richard pero hindi naman talagang gwapo compared to the other male actors at pangit pa ng katawan dahil mataba!!! HA! HA! HA!

      Lahat ata ng mga anak ni Anabil ay wala talagang talent!!!

  14. I think to early para ke KC ang magkaroon ng sariling show like that kasi kahit nagvj cya its totally diff. thing dapat kasi s kanya mga Lifestyle show muna like Fgirls na meron cyang mga kasama……

    I totally agree na hindi magaling maginterview c KC pasencya na KC pero hindi talaga carry more studying sana at preparation pa kasi the questions is not spontaneous or exciting eh walang dating tama…

    Kasi its totally diff. yung kwentuhan lang s haus casual lang pero fun and entertaining s tingin ko dapat iaral niya kung pano magtanong c Kris I think she is an OK host but like PIa G no good s interview……..just my opinion wag dibdibinnnnn……..

  15. Masyado ring malapad ang papel ni KC sa The Buzz. Mas mahaba ang oras na ibinibigay sa kanya pero lahat nang segments niya, BORIIIIIIIING. wALANG K si KC.

  16. Sana mabigyan si alessandra de rossi ng hosting job. marami siyang patataubin, Very witty at nakaktaw kasi siya. Pag siya ang guest sa mga talk show, gustong-gusto ko siya. IBALIK SA showime!

  17. Suggest, magsama na lang magina titled…..
    ” Sha KC Show ”

    Para naman mabigyan ng chance yong ibang mga new talents o old timer pero still no break.

    Sa ibang company nga, bawal yong magkakamaganak, nepotism ba tawag don.

  18. walang kwenta ang mag tanong ni kc. kahit yung comments nya sa the buzz, parati pang nang bu-butt in pag may nagsasalita.di sya bagay sa mga talk show. mag model nalang sya.

  19. Like the saying goes “marami ka pang kakaining bigas” Well ganyan si KC… She still needs na mahasa pa sa acting at sa pagiging host by means of workshops pero hirap rin sa abs eh sinasabak nila agad si KC sa mga shows nila.

  20. Kung naging kasing landi lang si KC ni Manyakris… pwede nang tawagin na KRIS jR. dahil pareho ang pagka maarte ng dalawang yan…mabuti na lang hindi malandi si KC tulad nung isa dyan na saksakan ng kati.

  21. mana sa nanay nyang plastic kaya ayan, di kinakagat ng audience ang show nya..

    walang sustansya, feels like ingenuine pag nagiinterview si KC..feeling pa e ang lalim nya pag nagiinterview..HINDI NO!!!

    mabuti na yan..di na din ako magtataka kung tanggalin na din sya sa The Buzz

Leave a Reply

Your email address will not be published.