PARANG PAGONG: Julian Trono, hindi pa rin nanliligaw kay Ella Cruz!

Ella Cruz and Julian Trono

AT LEAST, sa kaso ni Ella Cruz ay marunong siyang magpasalamat sa mga tao or kumpanya na sumusuporta sa kanya.

 
Isa sa mga all-out ang suporta sa dalaga ay ang Viva Films na producer ng pelikula nila ni Julian Trono na “Fangirl/Fanboy” na ipapalabas na sa mga sinehan nationwide this coming September 6.
 
Sa katunayan, kabado si Ella kung papaano siya at ang kapareha niya tatanggapin ng mga fans.
 
“Syempre po, hindi lahat ng mga artista ay nabibigyan ng chance na magkaroon ng sariling movie. I’m very thankful sa Viva Films form this break,” pagkukuwento niya.
 
Malaki ang pasasalamat ng dalaga para magkaroon ng sakatuparan ang pangarap niya na mag-lead sa sarili niyang pelikula.
 
“Words would not be enough to show my gratitude to them sa dami ng blessings ko. All I can promise is hinding-hindi ako magbabago,” panigurado ni Ella.
 
Sa Wednesday, Sepember 6 na ang showing ng movie nila ni Julian.
 

Ella Cruz and Julian Trono with Barry Gonzales

“Sana po magustuhan nila (mga fans). Pareho po kasi kami na kinakabahan ni Julian sa magiging outcome sa box-offie ng movie namin,” sabi niya.

 
Ang pelikula ay dinirek ni Barry Gonzales na first time magdidirek ng kanyang solo movie. Dati na nagdi-didiek si Barry sa telebisyon at sa pelikula naman ay nagiging assistant director siya sa mga projects sa Star Cinema.
 
Pahabol na tanong sa dalaga kung boyfie na niya si Julian at kung na-develop sila habang ginagawa ang movie at during the promo of the movie?
 
Simple lang ang sagot ng dalaga: “Hindi po. Hindi naman po siya nanliligaw.”
 
Sus, ano pa ginagawa mo Julian kung tutoong gusto mo rin si Ella?
 
Ang kupad. Parang pagong huh!

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.