Parang nilalandi si John Lloyd Cruz
Gretchen Barretto at Angelica Panganiban, may namumuong World War II?!

MAGKAROON KAYA ng part two ang away nina Angelica Panganiban at Gretchen Barretto?

We’re asking this because it seems that Gretchen lavished John Lloyd Cruz with praises during his guesting sa The Buzz recently. Sobrang puri si La Greta sa actor. From his pananamit to his pagiging mabango ay napuna ni Greta. Inamuy-amoy pa ni Gretchen si Papa Lloydie at sinabing ang bangu-bango nito.

Naging uncomfortable tuloy si Lloydie dahil sa papuri ni La Greta at halatang na-conscious ito nang husto.

Gretchen even had the temerity to ask John Lloyd kung kailan ito magpapahinga and told him to take care.

Ang naging dating tuloy ay parang nilalandi ni Gretchen si Papa Lloydie.

Now, what’s interesting is how will Angelica take this act of La Greta? Iisipin ba niyang Gretchen is out to get John Lloyd’s attention?

We remember na nag-away sina Gretchen at Angelica over Derek Ramsay noon.

“Hihintayin ko ‘yung mga kuwento niya. Hihintayin ko ‘yung mga pictures niya… Solo picture ha. Gusto ko ikaw lang. Walang iba,” sabi ni Gretchen noon na ikinairita ni Angelica. Iyon na ang naging simula ng bangayan ng dalawa.

 

KALOKA PALANG mag-celebrate ng birthday itong si Benjamin Alves.

While ordinarily ay nagpapa-party ang may birthday ay ibang klaseng selebrasyon naman ang ginawa ni Benjamin – tumakbo siyang nang tumakbo nang mag-isa.

Sa Guam nag-celebrate ng kanyang birthday ang Kapuso hunk actor.

“I was able to run a marathon by myself. It was a few kilometers, I ran by the beach, one coast to the other coast,” kuwento niya sa birthday presscon and fans’ day niya na ginanap sa isang restaurant.

“It has become a ritual. Before it was just a short span. Mag-isa lang ako. Nakakatuwa,” chika niya.

Noong March 31 ang birthday ni Benjamin at four days niyang nakapiling ang kaniyang pamilya na based sa Guam.

“Para sa akin po I was able to catch up for four days and meet with my family again. My older brother is expecting his first child. We’re all saving for that,” dagdag niyang kuwento.

Tinatapos ni Benjamin ang Sana Dati, isang indie film, and he’s also cast sa soap ng GMA, ang Unforgettable.

Hindi ba siya na-threaten sa pagpasok ni Rocco Nacino sa show?

Benjamin is unperturbed.

“That’s what GMA needed to do so. Hindi naman. No, no. it happens. People come in the show. If it helps the show, it’s okay,” sabi niya.

Hindi naman siya nag-complain kung bakit isinama pa si Rocco gayong complete na ang male cast.

“No, that’s not my job. I trust them. ‘Pag pumasok si Rocco, there will be more conflict. Kailangan ‘yon para ma-sustain ang show.”

Sa ngayon ay hindi nag-e-entertain si Benjamin na lumipat because happy siya bi-lang Kapuso actor.

“Yes, I’m hapy. Hindi po ako nawawalan ng trabaho. I prayed for a movie. Sana ma-experience ko ‘yung sume-segue. Na-experience ko na now and nakakapagod pala. Sabi nga nila, kapag busy ka you don’t have to complain.”

 

BLIND ITEM: Naloka ang staff ng isang store ng mamahaling kama nang maging costumer nila ang isang veteran stand-up comedienne.

When she entered kasi ay pinalipat niya ang radio station na pinatutugtog ng mga sandaling iyon. Nakokornihan kasi siya sa mga joke.

Namili ang comedienne ng kama para sa condo na pauupahan niya. Nang makapili na siya, nag-request kaagad ang hitad na ipa-deliver the next day ang kanyang napiling kama, something that is against the store’s policy. But since kilala siyang celebrity ay pinagbigyan naman ang request niya.

Ang nakakaloka, wala palang dalang cash at credit card ang hitad. Nag-promise lang siya na babalik sa umaga para magbayad using her credit card.

 Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

13 thoughts on “Parang nilalandi si John Lloyd Cruz
Gretchen Barretto at Angelica Panganiban, may namumuong World War II?!

  1. inggit n inggit c Greta kc puro yummy ngging bf n Angelica kya pgaari n Angel lhat gusto nya kunin kaso khit anong gwin nya d nya mkuha kc ala sya bnatbat k Angel…….kwawang Greta prang asong ulol n takam n takam s pgkain n Angel……yan ang mga pgkain d kyang bilhin ng pera n Greta hahaha…….ang haba kc ng hair n idol kya mdami umaaligid ……luv u Angelica

  2. Grabe naman mga tao dito. Huwag nyo naman i-judge ng ganyan si Gretchen. Hindi purket may past syang pinaglaban ang mahal nya e gawain na nya ang mang-agaw. napaka-stereotype talaga ng mga pinoy. At saka matagal ng fan ata si Gretchen, napanood ko pa nga sa dating interviews nito na gusto nyang maka-trabaho ang actor. Si lea salonga nga may paghanga rin sa pag-arte ni JLC. Fan tayo ni JL pero huwag naman maging OA. I’m sure hindi gusto ni JL malagay sa ganyang situation ang sino mang babae. Lets all be happy nalang na maraming nakaka-appreciate sa idol natin.

  3. yeah i noticed it nga na parang somethings odd about greta sa interview nya with JLC and me discomfort at awkwardness sa face i JLC… but anyways siguro greta is just excited ang star struck about JLC…

  4. ano ba tong si gretchen ang hilig manawsaw… ang sabihin niya tigang.com lang siya dahil hindi na siya dyinudyug ni tonyboy haha

  5. she too old na for jlc kasi naman ang inaamoy daily e ano na hahaha? e si angel e ni wala pang kasing retoke niya…ksp…si greta gurang hindi na gumagalaw ang face e bakit maiisecure si angel?

  6. Cge la greta galitin mo n nmn c angelica ng mwala ang ilusyon n sila n ni jlc ang mgkktuluyan.kun mkpgslta kc eh prng kla mo eh dna sila mtitibag.ang aga p pra mgslta.gnyn n gnyn dn xa ke derek sbe nya p npanood ko d dw xa kyang iwan ni derek kc dna mkkta ng ktulad nya.tlgang wla ng ktulad nya s pggiging ilusyunada.un pla mgulo n sila that tym.sori kkirita lng kc xa prng gsto lng my ptunayan.super display ng mga pix msbe lng n msya tlga.oo na msya kn hahaha.d ako fan ni sarah kc nloloka nga ko s pgging super obedient nya n d nmn msma pro asa ryt age n xa..pro tingin ko c sarah at jlc mgkktluyan

      • Masyado k nmang apektado skin teh!msyado kang nega teh!haahaha hulaan ko..yaya k ni angelica.hahaha.:)todo tanggol lang eh:) i’m just stating my opinion so wapakels ka nlng.ngyn kndi mo mtnggp opinion ko.heno ngayon.care ko syo bwahaha

      • waahh atleast my yaya eh ikaw?? s DEREK ang my deperencya nuh d nmn gnun kadami BF ni angelica.. LOL! MAdam Auring TEh??? Alam kung cnu makatuluyan??? GAGA lng eh!!

      • Cno ka?db madam auring ako…..hmmm alm ko n ikaw ang driver hahaha.hndi lng yaya ang mern ako.mgkno k pti ang dndrive mo?hahaha.wag pikon teh with exclamation point ha.hahaha nttwa lng ako syo.pikon talo.my knya knya tyong opinyon eh.kun ayaw ko s gsto mo…maglupasay ka s glit haahaha.have a nice day:)))

  7. HAHAHA. KALOWKAH SI LA GRETA. WATCH KO RIN ANG THE BUZZ. NAKOH HA, DAPAT SABIHAN ITONG SI LA GRETA NA MAHILIG SYANG MANAPAW. KAHIT SI ATE BOY, KITANG KITA NA RUDELY INTERRUPTED ANG PANANALITA NYA. MAHILIG PA NAMANG MAGLITANYA NG FLOWERY AT OVERDRAMATIC WORDS ITONG SI ATE BOY. TAPOS, ANG LA GRETA, PARANG TEEN-AGER NA KINUKUROT SA SINGIT DAHIL KILIG NA KILIG KAY JLC HA. HAHAHA. MAHILIG DIN NAMAN KASI SA INTRIGA AT SCANDAL ITONG SI LA GRETA EH. NA-CONSCIOUS TLG SI JLC DAHIL KAHIT SI LA GRETA ANG NAGTATANONG, KAY ATE BOY TUMITINGIN SI JLC. HAHAHA. KALOWKAH!

Leave a Reply

Your email address will not be published.