Parang Nakawala sa Hawla: Gerald Anderson, may iba pang girl bukod kay Bea Alonzo?!

IKINATUWA NAMIN NA hataw sa taas ng rating ang Juicy nina Cristy Fermin, Mo Twister, Alex Gonzaga, IC Mendoza and Shalala. Hitik naman kasi sa showbiz balita ang nasabing talk show. Para silang magbabarkada na nagtsisikahan, nagkukuwentuhan sa mga kaganapan sa loob at labas ng showbiz. Maraming nakakaintrigang issue, negative man, binibigyang-linaw naman nila ang bawat controversial issue na tinatalakay. Patas sa pagbabalita, walang kinikilingan sa totoo lang.

Tulad na lang sa tsikang sinabi raw ni Mo Twister na pangit daw ang hitsura ni Pokwang at kawalan ng utang na loob nito kay Willie Revillame. Sinagot naman agad ng singer-comedienne ang binitiwang salita ng DJ/TV host. “Kung makikita lang niya ako ng personal, baka ma-inlove siya sa akin.”

Binigyang-linaw ni Mo ang issue na ito sa Juicy last Monday. “Hindi ko sinabing pangit siya. Ang sabi ko, pangit ang ugali niya, pangit ang attitude niya.” Biglang naglitanya si Manay Cristy, binanggit ang mga pangalan ng naging girlfriend (beauty and brain) ni Mo in the past at ang latest nga ay si Rhian Ramos.

Tinalakay rin nina Manay Cristy, Mo, Alex, IC at Shalala ‘yung issue about Rufa Mae Quinto at ang mystery guy na si Mr. M sa buhay niya ngayon. Kung hindi raw si Cong. Mikey Arroyo ang boyfriend ng actress-comedienne, sino?

“Alangan namang si Mr. Johnny Manahan… Para hindi isipin na nag-iilusyon lang si Rufa Mae, pangalanan na niya ‘yung boyfriend na sinasabi niya,” say ni Manay Cristy.

Oo nga naman, matagal na ring tumakbo ang issue na ito tungkol sa dyowa ni Rufa Mae pero hanggang ngayon, palaisipan pa rin. Wala pa ring linaw kung totoo o hindi na may lalaki nga ang comedienne. Wala man lang litrato ng boyfriend na maipakita sa movie press bilang pagpapatunay na hindi siya nag-iilusyon at gumigimik lang!

It’s about time siguro na ipakilala, ipagmalaki ni Rufa  Mae sa publiko ang lalaking tunay raw na nagmamahal sa kanya at handang pakasalan siya. Ang tanong, single ba naman ang mystery guy na ito? Baka totoo ang tsismis na may sabit daw ang misteryosong si Mr. M kaya hindi mailabas sa closet ni Ms. Rufa Mae Quinto….

PALAGING TULALA AT wala sa sarili ang drama ngayon ni Kim Chiu, ayon sa malalapit na kaibigan ng dalaga. Dinibdib daw ng aktres ang paghihiwalay nila ng binata. Walang malinaw na sagot mula sa dalawa kung ano ang naging dahilan ng kanilang break-up.

Biglang pumutok ang balitang nakipag-date si Gerald kay Bea Alonzo. Hindi natin alam kung friendly date lang ‘yun or pagpapahiwatig na ng panliligaw. Nang dahil sa pangyayaring ito, ikinagalit ng mga fans ni Kim ang ginawa ni Gerald sa kanilang idolo. Kahit ang grupo ng Kimerald fans ay nag-react, hindi na raw nila susuportahan ang guwapong aktor.

Bukod kay Bea, mayroon pa rin daw idini-date si Gerald na non-showbiz girl, ayon sa aming source. Nakita raw ang dalawa sa Rockwell na magka-holding hands habang naglalakad sa loob ng mall. Very sweet sa isa’t isa na para bang walang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanila. Bukod sa maganda raw itong girl, tipong pang-commercial model pa ang dating.

Nakakapanibago si Gerald kung totoo nga ang tsikang ito. Parang ngayon lang nag-uumpisang magbinata kaya bawat babaeng matisod, tipong gustong papelan. Wala na kasing magbabawal sa bawat gusto niyang gawin, kaya ini-enjoy ang pagiging single.

Kung ikaw ang babaeng matitipuhan ni Gerald, I’m sure hindi ka magdadalawang-isip na sumama at makipag-date. Guwapo’t sikat pa, ego rin siyempre ng kababaihan na minsan nakasama nila at nakapiling si Gerald Anderson.

Umaasa kaming bibigyang-linaw ni Gerald ang issue tungkol sa kanila ni Kim at Bea. Pati na rin ang non- showbiz girl na diumano girlfriend ngayon ng aktor. Kailangang ibalik uli ang tambalang Kim-Gerald na palaging patok sa masang Pinoy.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleMo Twister, sinasadyang magpaka-kontrobersiyal!
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #143: July 28-29, 2010

No posts to display