Parang hindi nag-iiisip
Sharon Cuneta, sobrang sensitive?!

PSSST! POLITIKA, Showbiz, Scandal, Swarding, Tsika! Lunes na naman, kaya dapat mainit ang pa-sabog na ihahanda ko sa aking readers ng Pinoy Parazzi.

Totoo kayang tapos na raw ang career ni Regine Velasquez. Kasi ang bagong titulo niya ay ‘reyna ng piyok’. Kasi nga naman, katatapos lang daw ng concert niya sa MOA Arena. Grabe, as in over, ang kapipiyok ng tinaguriang Asia’s Songbird.

Ngayon nga, sabi raw ni Vice-Ganda, reyna ng piyok. Kaloka, as in, binilang daw kung ilang beses pumiyok si Regine, 24 times lang naman. Pero in fairness naman daw, talagang masama ang pakiramdam ni Songbird at nilalagnat daw nu’ng gabing ‘yun at masakit ang lalamunan. Kaya siguro hindi inabot ang matataas na nota ng kanyang songs. Minsan pa nga raw, wala sa tono, kaya hindi na satisfied ang mga utaw na nanood ng nasabing concert.

Kaya hirit daw ng kampo ni Regine, magkakaroon daw ng repeat performance pero libre na ang ticket. Pero kung ako ang tatanungin sa tsikang ito, sana pahinga na muna siya. Mag-workout muna, kasi katulad din siya ni Sharon Cuneta na naghaha-bulan sa laki ng katawan.

Isa rin ‘yan sa factor na kaila-ngang may maganda kang katawan na ihaharap sa audience habang ikaw ay nagpe-perporm. Pero kung ang katawan mo naman ay parang elepante, nakadi-discourage. Kahit siguro magsuot ka ng damit na gawa ng pinakamagaling na stylist sa boung mundo, wala pa rin. Kasi nga ang lapad na ng mga katawan n’yo. Sa inyo, hindi n’yo namamasdan ‘yan. Kasi boung akala n’yo, seksi pa rin kayo. Pero sa aming mga manonod, bawas factor na ‘yun kahit na sabihing ikaw ang concert queen. Kaya payo ko sa inyo, magpaliit muna kayo ng katawan bago sumabak sa ganitong concert.

Kahit siguro mag-repeat performance pa si Regine, parang sawa na rin ang tao sa kanya. Kasi marami nang bago na papalit sa kanyang trono at mga bata pa. ‘Di ba lahat naman ng bagay may hangganan? Lalo na ang pagkanta na ‘pag tumatanda ka na, magbabago na rin ang boses mo. Ang iba nga riyan, walang boses na lumalabas dahil inabuso nila ang sarili sa bisyo. Hay, naku! Baka kung saan na naman tayo mapunta.

At take note, hindi rin bagay kay Regine ang mag-host sa isang showbiz talk show. Nakaaasiwa, parang katulad din ni Lucy Torres-Gomez na nagpupumilit mga-host, kulang naman sila sa kaalaman. Kasi nga, hindi naman sila nagsi-circulate, at hindi talaga nila linya ‘yan. Kasi, mga artista sila at performer. At tulad ni Lucy na isang public servant, nakakawalang- respeto.

Ano ba ‘yan, kung saan na napupunta ang mga sinasabi ko.

 

ITO NAMANG si Sharon Cuneta, ayaw tumigil sa kaka-tweet. Pakatapos sa fans ni Piolo Pascual, kay Kris Aquino naman.

At ayon kay Sharon, na-wow mali siya sa kapapatol sa twitter. This time, napahiya siya kay Kris, kaya ito gumanti agad sa Kris na impostor.

Nagtataka lang ako rito kay Sharon. Bakit napaka-sensitive niya ngayon? Kasi nga, kahit anong mari-nig niya tungkol sa kanya at lalo na sa family niya, pinapatulan niya agad na hindi man lang nag-iisip kung ito nga ay kapatul-patol.

Kasi ‘yung tungkol kay Kris, may lumabas daw yata sa isang interview kay Kris na kaya hindi niya pina-follow si Sharon sa twitter kasi ayaw niyang ma stress. Ayun, tweet daw agad si Sharon ng, “naku, pano ‘yan… ‘di na niya ako magagaya.” Na may kasunod pang, “yaan na natin, hindi ko naman siya pina-follow ever sasakit lang ang ulo ko.”

Ito ang siste, sa banang huli, na-buking na hindi si Kris nagpa-interview at poser lang pala ni Kris ito. Ayun, inulan na naman ng negetive reactions. Maaanghang na batikos na naman ang inabot ni Sharon mula sa twitter fanatics.

Nu’ng nakarating ito kay Kris mismo, tinext agad ni Sharon. “Apparently some peole are trying to create something really bad between us and now I know it wasn’t really Kris who sent that tweet about her not following me here on twitter coz daw ayaw niya ma-stress. This has taught me another lesson: we should be careful who we believe here on twitter. There are lots of peolpe pretending to be us artistas and we should make sure that we know who’s talking before we react especially if what we read hurt us.”

Ayon sana matauhan si Sharon sa nangyari. Walang ibang masabi si sharon kung hindi sorry, but the damage had been done. Kaloka ka Sharon, dapat patingin ka na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

25 thoughts on “Parang hindi nag-iiisip
Sharon Cuneta, sobrang sensitive?!

  1. Hindi ko alam kung si Sharon ay sadyang tanga o nagtatanga-tangahan lang.

    Hay naku, nang magsabog yata ng katangahan sa mundo si Sharon lang ang gising at nasalo niya lahat.

  2. Syempre Like mother Like daughter….ang katabaan ng Pata ni Sharon namana ni KC,mas malala pa nga yong kay KC kasi sya dalaga pa.ang UGALI,Plastikada,Maarte etc…..pa salamat  pa nga yong Pamilya ni Piolo  nakawa sila sa pamilyang magulo ang Mundo at grabeng AARTE !

  3. Nagpapapatol si Negastar Sharon Cubeta sa mga twitter followers niya para makapag ingay para mapag usapan dahil alam niya na laos na siya at kailangan niya gumawa ng eksena para mapag-usapan. Maganda man o masama, publicities pa rin para sa Negastar dahil mas interesado ang mga tao sa negativities. Kung nega nga ang balita di pa siya magbabayad ng pagsusulat sa kanya. Inuutakan ni Negastar ang mga media people.

  4. may sakit si sharon na habang tumatanda, lalong tumataba kaya pansin nyo, bakit sa dami ng pera nya hindi nya gamitin sa pagpapapayat? dahil may sakit nga sya which KC would inherit when she’s on her 30s. you can’t really have it all nga talaga, perfect ka sa lahat pero may isang ikakadismaya mo, like sharon, she experiences fame, matalino, maganda pero may weight problem.

  5. Si kriss kasi may pinag-Aralan,kahit maaga ding lumandi,may tinapos talaga sya.eh si Sharon tabachingching,hindi naman kasi yan naka tapos,maaga din lumandi,kaya yan,manang mana ang anak nyang si KC landi at Grabeng OA! yang si KC PILING sexy ang sagwa sagwa naman ng Hita nyang Malaki,àng sarap Ihalo sa Bulalo!

  6. YAN ANG KARMA KAY NEGA SHARON… KAKAPATOL SA MGA FANS NI PIOLO NA HINDI NYA NAMAN KAKILALA,AT SA KAPWA ARTISTA NYA… KUNG SABAGAY ANG TITA HELEN NYA NGA,INAAWAY NYA..YONG IBANG TAO PA KAYA…YAN BA KUNO ANG KAHIT PAPANO ANG NAG ARAL.PALENGKE QUEEN AT NEGA QUEEN!!!

    • ikaw ang bobah syempre kailangan bumawio ni regine, malaking sampal sa karera nya yan..isa pa alam naman nya paos sya bakit pa sya pumunta sa arena? pra propesyunalismo? eh kung natigok sya duon? spell gurang? matanda na sya noh! di nga niya kinuha si jaya dahil pinagsawaan na sila!!!!!!!! gaggaa!

      • @larag isa kang jejemon BOBA ka walang H! Kaya nga nagbigay ng free concert for her to prove herself.. Bakit hiningan ka ba ng tulong yun mga nagbayad nga di nagreklamo ikaw pa na wala naman alam! Kung natigok sya doon atleast she knows how her fans supported and loved her! Kaya tumigil ka san nonsense mong comment! Saka pagnamatay sya may pupunta di tulad mong masama ang bukas ng bunganga kamag-anak mo lng ang pupunta. 

  7. Parang mali yan pinagsasabi mo kay Regine andun ka ba at napanood mo?? She has it kita naman, kung wala sya sakit for sure standing ovation yun.. Hindi sawa ang tao PUNO nga ang MOA ARENA.. Kaloka ka kanegahan mo

  8. PAANO KASI ANG GMA7 KUNG ANU ANO PINAGAGAWA SA MGA TALENTS NILA PARA LANG BUMANGO, TINGNAN MO SI REGINE MAY TALKSHOW, COOKING SHOW, SINGING SHOW..LAHAT NAMAN DOG SHOW! MAG FOCUS SYA SA ISA KASI MAY PAMILYA NA SYA..HAYAAN NA LANG ANG ENTABLADO SA MGA BAGUHAN…

Leave a Reply

Your email address will not be published.