Parak vs riding in tandem, 1 patay

PATAY ANG ISANG hinihinalang kawatan habang nakatakas ang isa pa sa riding in tandem sa lalawigan ng Cavite nang makasagupa ang mga elemento ng Cavite Police.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Superintendent Agrimiro Cruz, Jr., naganap ang labanan dakong alas-3 ng madaling-araw kahapon sa  Ilang-Ilang St., Plaridel Subd., Brgy. Bayan Luma 7, Imus.

Nagpapatrolya ang ilang kawani ng Cavite Police nang mamataan ang dalawang lalaki sakay ng isang Suzuki motorcycle na may plate number ZL-5799.

Subalit sa halip na huminto nang kanilang parahin ay bigla na lang nagpaputok ng baril ang lalaking angkas ng motorsiklo dahilan kaya gumanti ng putok ng baril ang mga awtoridad.

Limang minuto lang ang itinagal ng palitan ng putukan ng baril nang tumimbuwang ang isa sa mga suspek na siya naman umanong nagtulak sa isa pang suspek na tumakas.

Sinabi pa ni Cruz na sa report na dumating sa kanya na bagama’t nakatakas ang isa sa mga suspek, sugatan naman ito base sa mga tulo ng dugo sa dinaanan nito papatakas.

Nakuha naman sa tabi ng napaslang na suspek ang isang 9mm pistol, wallet ng suspek na walang ID isang helmet at ang motorsiklong ginamit ng dalawa.

( EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.